Aktres, nanigurado bago manganak… KASAL NINA JENNYLYN AT DENNIS, PAMPAMILYA LANG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 5, 2021

Sa isang interview ng showbiz couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para sa isang magazine, nabanggit nila ang kanilang plano sa nalalapit nilang kasal.
Magiging simple at pampamilya lang daw ang wedding ceremony para lesser ang pressure sa preparasyon.
Pag-uusapan na lang daw nila next time ang tungkol sa church wedding pero hindi sa taong ito.
Ang mahalaga ay maidaos muna ang isang simpleng kasal na tanging pamilya nila ang makakasama.
Basta ang gusto ni Jen ay maikasal na sila ni Dennis bago niya isilang ang kanilang baby.
At dahil sa maselan ang kanyang pagbubuntis, nagdesisyon sila na hindi muna magpakasal nang bongga.
Sa ngayon ay wala pang detalye kung kailan ang wedding date nina Jennylyn at Dennis.
Pero, tiyak naman na ipapaalam nila ito sa malalapit na kaibigan at sa pamunuan ng GMA Network.
Sa ngayon ay pahinga muna si Jen at inaalagaan ang kanyang sarili para maging malusog ang baby nila ni Dennis.





Comments