top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktres, nag-post ng tikiman nila, aktor todo-tanggi… JERIC, NABUWISIT KAY SHERYL, IN-UNFOLLOW SA IG

  • BULGAR
  • Sep 14, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 14, 2021



May ipinost si Sheryl Cruz sa social media na hindi umano nagustuhan ng aktor na si Jeric Gonzales.


Ayon sa tsika, isang malapit kay Jeric ang nagsabing tila hindi ikinatutuwa ng Kapuso actor ang pag-post ni Sheryl ng mga larawan nila sa IG nito.


Marami raw kasing posts sa official Instagram ni Sheryl na mga larawan nila ni Jeric na tila nagpapahiwatig na may namamagitan sa kanilang dalawa.


May isang post si Sheryl ng video ng kissing scene nila ni Jeric. Nilagyan ito ng aktres ng caption na: “I love you so bad.”


Meron din silang TikTok videos na may caption namang "'Di ka nakakasawang tignan, pagmasdan ang 'yong mata."


Parehong naka-tag ang dalawang posts kay Jeric.


Dahil du'n, maraming nagtatanong kay Jeric kung nagkaroon daw ba sila ng ugnayan ni Sheryl nu’ng ginagawa nila ang Magkaagaw.


Itinanggi naman ito ng Kapuso actor at hindi nga raw nagustuhan ang ginawa ng aktres kaya in-unfollow na sa Instagram.


Ouch!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page