Aktres, nag-post ng "next chapter", fans nabulabog…JESSY AT LUIS, IKINASAL NA SA AMANPULO?!!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 6, 2020

Kasal na ba sina Luis Manzano at Jessy Mendiola? Ito ang tanong ng mga netizens ngayon dahil sa recent post ng aktres sa kanyang Instagram account.
“Next chapter.” Ito ang laman ng art card na ipinost ni Jessy kaya naman ang daming netizens ang nagtatanong kung ano nga ba ang next chapter sa buhay niya.
“Ikakasal na ba? Aww! HAHAHA!” tanong ng isang netizen.
“What’s next, Jessy? Long table I hope,” komento naman ng isa niyang follower.
“Wedding,” sagot naman ng isa.
“May kasalan na bang magaganap?” tanong ng isa pa.
“Here comes the bride,” komento naman ng isa pang follower.
Kasalukuyang nasa Amanpulo sina Jessy and Luis base na rin sa mga posts nila. Mukhang doon nila ipinagdiwang ang kaarawan ng aktres but many are wondering kung may kasalan na rin bang naganap lalo pa nga’t ang ingay ng balita ngayon na engaged na sila at talagang nagbabalak nang lumagay sa tahimik.





Comments