top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Aktres, maganda raw pero tumaba… KC SA NETIZEN: BASTOS!

BULGAR
Jul 4, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 04, 2021



Sinagot ni KC Concepcion ng “Rude” ang nang-body shame sa kanya at nag-comment ng “Pretty but tumaba ka.”


Ayun, binuweltahan ng mga followers at fans ni KC ang body shamer. Kasi naman, hindi pa rin yata alam ni ate gurl na mali ang comment niya at ang nakakaloka pa, ibinalik niya kay KC ang pagtawag ng rude sa kanya. Ayun, lalong dumami ang nagtanggol kay KC.


Tama naman ang mga followers ni KC, kung wala kang magandang sasabihin at kung magko-comment ka rin lang sa weight ng tao, ‘wag na lang mag-comment.


Eh, si KC, nag-e-enjoy sa buhay niya sa Los Angeles, California, USA. Business trip daw ang ipinunta niya sa Los Angeles at sume-segue siya sa pagsa-shopping.


Sa isang picture ni KC, kasama niya ang sikat na chef na si Chef Wolfgang Puck at nabanggit ng aktres na idinagdag ng chef sa menu ng resto ang Spikey lemon cake at ang ginagamit nito ay kalamansi from the Philippines!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page