top of page

Aktres, lumaki ang tiyan… PAOLO, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA BUNTIS SI YEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 04, 2022




Pinabulaanan ni Paolo Contis na buntis si Yen Santos.


Bumuhos ang mga espekulasyon sa kumalat na litrato ni Yen at ni Paolo sa airport habang papunta ng Boracay ang dalawa.


Sa nasabing larawan, napansin ng mga netizens ang tila paglaki ng tiyan ni Yen ngayon.


Napaisip tuloy ang mga netizens na maaaring buntis ang aktres.


Paliwanag naman daw ni Paolo, nagmukha lang lumaki si Yen dahil nilipad ng hangin ang suot nitong blouse, pero hindi raw ito buntis.


Huwag na lang daw pangunahan ang magkaibigan dahil sabi nga ni Paolo ay “as a friend” lang niya si Yen.


Hayaan na lang daw na umamin ang dalawa kung sila nga ba'y magkaibigan lang o mas higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page