top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Aktres, kaya tameme… KIM BUNTIS, PROMO LANG DAW SA MOVIE NILA NI PAULO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 18, 2026



TEKA NGA - KIM, BUNTIS, PROMO LANG DAW SA MOVIE NILA NI PAULO-IG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess



Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang tsikang preggy na si Kim Chiu dahil sa mga lumabas na larawan at video niya na napansin ng ilang netizens ang tila umbok sa kanyang tiyan.


Lalo pang pinalakas ng isang blind item (BI) ang isyu na ikinonek ng ilang netizens sa diumano'y relasyon nina Kim at Paulo Avelino. 


Gayunman, wala pang kumpirmasyon mula sa kanila tungkol sa pregnancy rumor.

May mga netizens namang nagdepensa kay Kim at sinabing maaaring dulot lamang ng damit, anggulo o pagbabago sa kanyang katawan ang napansing umbok. 


Samantala, nagbahagi rin si Kim ng workout video habang umiikot ang tsismis. 

May mga kumakalat ding bersiyon na posibleng may kaugnayan sa isang pelikula nina Kim at Paulo ang naturang tsika, pero wala ring malinaw na kumpirmasyon na promo strategy lamang ito para umingay ang proyekto.


It seems ine-enjoy ng aktres ang buntis issue niya at hindi siya mukhang apektado.

Well, nananatiling tsismis at haka-haka lamang ang tungkol dito. Hangga’t walang direktang pahayag mula sa aktres, mas mabuting huwag munang ituring na kumpirmado ang naturang balita.





AMY, DREAM MAGING DANCER



LABIS na pinanghihinayangan ni Amy Austria na hindi niya nakasama sa pelikula ang mga movie icons na sina Fernando Poe, Jr. (FPJ) at Dolphy. Pero masuwerte pa rin daw siya dahil nakatrabaho niya ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor. 


Ilang pelikula ang kanilang pinagsamahan, at isa na rito ang award-winning na Atsay. Malaking karangalan na iyon para kay Amy at hindi niya ito malilimutan.


Napunta sa mga seryoso at madramang roles ang aktres. Minsan ay nabibigyan siya ng kontrabida role sa mga serye sa telebisyon. Pero pangarap naman niya ang makagawa ng action films at maging action star. Isa pa sa kanyang mga dream roles ay maging magaling na dancer.


Frustration daw ni Amy ang makilala bilang mahusay na dancer. Gusto niyang magbida sa isang character na sumasayaw siya.


Ganunpaman, kilala naman si Amy bilang isang de-kalibreng aktres. De-kalidad ang mga pelikulang kanyang ginawa.


Mahigit tatlong dekada na siya sa showbiz, nagmarka na ang kanyang pangalan at inihahanay sa magagaling na artista.


Maraming pagsubok sa buhay ang pinagdaanan ni Amy. Maraming bagyo ang kanyang sinagupa, pero nanatili siyang matatag.


Naging inspirasyon si Amy ng marami dahil sa kanyang online show na Finding Hope. Marami ang naka-relate sa kanyang mga naging karanasan.


Well, buhay na buhay pa rin ang career ni Amy. May serye siya ngayon sa GMA-7, ang Kamao.





Nang mabiyuda… DINA, MABILIS NAKA-MOVE ON DAHIL SA SHOW NILA NG MGA ANAK



NAGPAPASALAMAT si Dina Bonnevie at ang mga anak niyang sina Danica at Oyo, ganoon din sina Kristine Hermosa at Marc Pingris, dahil sa patuloy na pagtangkilik sa kanilang online show na House of D (HOD).


Bale naka-dalawang seasons na at nakapagtala ng 200,000 subscribers ang HOD.

Habang nagtatagal ay lalong gumaganda at interesting ang mga episodes at kapansin-pansin na mas komportable na sa kanilang pagho-host sina Dina, Danica, Oyo, Kristine at Marc.


Kaswal na kaswal ang kanilang atake sa mga topics na pinag-uusapan. May kani-kanya silang opinyon sa mga usaping kanilang tinatalakay.


Pansin din ng mga netizens na hindi na gaanong conscious si Dina sa kanyang mga outfit na isinusuot sa vlog. Mas okay sa kanya ang simple at casual clothes.


In a way, nakatulong din ang show sa aktres upang maka-move on na siya matapos yumao ang kanyang mister. Nagkaroon siya ng pinagkakaabalahan, sa tulong ng kanyang mga anak at manugang.


Nagkaroon ng bagong sigla ang career ni Dina at na-enjoy niya ang bonding sa kanyang mga anak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page