Aktres, kaya biglang bawi sa ibinulgar… DOMINIC, UNANG NAKIPAG-BREAK, MALAKING INSULTO KAY BEA

ni Julie Bonifacio @Winner | June 18, 2024

Maraming netizens ang nagtatanong kung totoong binawi ni Bea Alonzo ang una niyang pahayag sa interview ni Nelson Canlas na ang ex-boyfriend niyang si Dominic Roque ang nakipag-break sa kanya, taliwas sa nabalitang siya ang umatras sa kanilang kasal.
Ano na ba ang nangyari sa effort na ginawa ni Dominic nang muli siyang sinuyo upang magkabalikan silang muli?
Well, para sa ilang netizens, malaking insulto para kay Bea kung ang aktor nga ang umayaw at nakipag-break sa kanya. Patunay lamang na hindi ang yaman at ganda niya ang hinahabol sa kanya ng aktor.
Maaaring na-realize ni Dominic na mahirap ipilit ang kanyang sarili kung maraming hadlang at tumututol sa kanilang pagmamahalan. Kaya kahit masakit ay nagpaubaya na lamang si Dominic Roque. Mas pinili niya ang mag-move on upang matahimik na ang kanyang buhay.
Well, let’s see kung magkakaroon ng pagbabagong mangyayari sa love life ni Bea.
Labis lang na nanghihinayang ang kanilang mga kaibigan dahil bagay na bagay sina Bea at Dominic sa isa’t isa.
Maraming fans ang nagtatanong kung nagbago ba ng isip ang Star for All Seasons na si Vilma Santos at muling kinokonsidera ang pagbabalik niya sa political arena.
Dati ay nabanggit ni Ate Vi na may panahon na siyang gumawa ulit ng pelikula at muling harapin ang kanyang showbiz career dahil magpapahinga muna siya sa pulitika.
Matagal-tagal na rin siyang naging public servant. Nauna siyang nagsilbi bilang mayor ng Lipa City, hanggang naging gobernador ng Batangas at naging congresswoman sa 4th District ng probinsiya.
Pero last year, hindi niya natanggihan ang gumawa ng pelikula na naging entry sa MMFF 2023, ang When I Met You in Tokyo.
Umaasa ang kanyang mga tagahanga na magtutuluy-tuloy na ang movie projects ng Star for All Seasons. Subalit, maugong ang bali-balitang tatakbo siyang gobernador ng Batangas sa darating na 2025 elections, kaya excited at masaya ang mga Vilmanians at nangako sila ng full support sa kanilang idolo.
Ganunpaman, sakaling balikang muli ni Ate Vi ang political arena, patuloy pa rin niyang ikakampanya sa ating moviegoers na tangkilikin o panoorin ang ating local movies upang muling bumalik ang sigla ng movie industry.
Parehong Kapuso actresses, pinagsasabong…
BARBIE AT JULIE ANNE, ‘DI MAGKA-LEVEL

MAGKAIBANG-MAGKAIBA ang talent ng pambatong Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose. May kani-kanya rin silang hukbo ng mga tagahanga.
Si Barbie ay nagsimulang child star, hanggang siya ay lumabas sa ilang teleserye ng GMA-7. Forte niya ang drama, pero swak din siyang komedyana. Natural ang pagiging ‘funny girl’ ni Barbie at ‘pag kaeksena naman ang mga senior stars sa serye ay hindi siya natatabunan dahil kaya niyang makipagsabayan sa aktingan.
Maging sa musical show na All-Out Sundays ay kinakaya niyang kumanta, sumayaw at mag-host.
Well, alagang-alaga ng GMA-7 si Barbie sa mga projects. Isa sa kanyang mga pinaghahandaan ang Pulang Araw na kasama sina Alden Richards, Dennis Trillo, David Licauco, Sanya Lopez atbp..
Marami namang senior stars na nakatrabaho ni Barbie Forteza ang pumupuri sa kanyang pagiging professional sa trabaho. Mabait daw ito at may respeto sa mga senior stars at hindi feeling big star.
Samantala, si Julie Anne San Jose ay nagsimula naman bilang singer bago sumabak sa pag-arte at pagho-host. Na-establish na rin niya ang kanyang career at binansagang ‘Limitless Star’.
Hasang-hasa na rin siya sa pagho-host ng talent search show tulad ng The Clash. Pambato rin siya sa All-Out Sundays kaya lumutang ang galing niya sa pagkanta at pagpe-perform.
Gayunpaman, walang kompetisyon kina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose pagdating sa kanilang career.
MAGANDA ang role na gagampanan ni Harvey Bautista sa bagong serye ng Star Cinema- Dreamscape Productions, ang Pamilya Sagrado na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Aiko Melendez, Grae Fernandez atbp. mula sa direksiyon nina Andoy Ranay at Lawrence Fajardo.
Nagkaroon ito ng premiere night at dinaluhan ng buong cast.
Marami ang nagsasabi na makakabuti sa career ni Harvey ang role niya sa Pamilya
Sagrado kung saan gaganap siya bilang si Percy de Leon.
Bentahe sa kanya na magampanan ang iba’t ibang klaseng roles at puwede rin kahit wala siyang ka-love team.
Ang magiging challenge lang kay Harvey ay ang mataas na expectation sa kanya ng lahat dahil galing siya sa angkan ng mga artista, kaya ikukumpara siya kina Harlene
Bautista, Hero Bautista at sa kanyang papa na si dating QC Mayor Herbert Bautista.
Heartthrob ang porma ni Harvey Bautista pero may lalim ding umarte.





Comments