top of page
Search
BULGAR

Aktres, kahit nag-deny na… KALAT NA: SUNSHINE, IPINAGPAPATAYO NG BAHAY NI ATONG ANG SA AYALA, ALABANG

ni Julie Bonifacio @Winner | March 22, 2024




Laman muli ng tsikahan sa social media si Gretchen Barretto at ang businessman na si Atong Ang. 


Spotted ang dalawa sa isang public gathering kung saan nandoon din ang kilalang Pinoy Pawnstar owner na si Boss Toyo.


Isang video ang na-upload sa socmed kung saan magkasama sina La Greta (Gretchen) at Atong.


Pagkatapos ay maririnig ang boses ni Boss Toyo asking La Greta kung ano ang ibebenta niya.


Sagot ni La Greta, “Si Atong ang ibebenta ko.”


Malaking palaisipan sa mga netizens kung bakit si Atong ang laging kasama ni La Greta instead of her long-time partner na business tycoon na si Tony Boy Cojuangco.


Nagtanong sa comment section ang mga netizens sa nasabing post. 


“‘Yan ang tanong, birthday niya, si Atong kasama, ‘di ko na sila nakikita ni Tony Boy. May sakit ba si TBC?”


“Ano ba talaga sila?”


“Hmmm. Sila pa ba ni Tony Boy?”


At sa mga tanong na ‘yan, may sagot ulit ang mga netizens: 


 “Of course, sila pa ni Tony Boy. Love na love niya ‘yan si TB (Tony Boy). Love rin siya ni TB, 25 years and counting.”


“May warrant of arrest si Tony Boy dahil sa gulo nila sa Okada.”


“Well… ganyan ang dynamics nila, mukha naman ding ‘di sila nagtatago.”


“Ayaw daw kasi mag-sign and agree ‘yung first wife to protect their heir.”


“The legal wife, ayaw i-sign (pirmahan) ang annulment.”


Katwiran pa ng isang netizen, merong will and trust. Puwede rin daw na ipangalan na lang ang properties sa gusto niyang ipangalan. At alam daw ‘yan ng mga mayayaman.


Ang alam namin, nali-link si Atong sa sexy actress na si Sunshine Cruz.  Bagama’t idinenay na ni Sunshine na siya ang bagong dyowa ni Atong, may possibility na nanliligaw pa lang din si Atong kay Sunshine.


But how true ang tsika na may ipinapatayo na raw na bonggang bahay si Atong para kay Sunshine sa Ayala, Alabang?


Well, let’s see.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page