top of page
Search
  • BULGAR

Aktres, idinawit sa NPA… CONG. ATIENZA: PAGSOSORI NG AFP KAY ANGEL, SAPAT NA!

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 5, 2020



Isa ang TV program na Maynila ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza sa mga naapektuhan ng COVID pandemic kaya nagdesisyon siya bilang producer at host ng GMA-7 blocktime program na ipahinga muna ito sa ere habang hindi pa bumabalik sa normal ang lahat.


Aminado si Cong. Lito na mula nang mag-lockdown, nag-stop din muna ang mga advertisers ng kanyang programa, at kung itutuloy nga niya ang airing nito ay malulugi siya.


At para patuloy pa ring makapag-reach out sa kanyang mga supporters at tagahanga, naisip nilang simulan ang kanyang FB Live nu'ng Marso na tinawag niyang Buhay Mahalaga na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2 PM sa kanyang Facebook account.


Dito ay nagkakaroon siya ng interaksiyon sa mga netizens at naibabalita niya ang mga kaganapan sa Kongreso.


Enjoy naman si Cong. Lito sa feedback ng mga netizens at kung may bashers man daw ay konti lang.


Anyway, sa very intimate chikahan with super small number of entertainment press, nahingi namin ang opinyon ni Cong. Lito Atienza sa naging issue ni Angel Locsin na na-red-tag ng AFP kamakailan.


Naitanong din kasi namin ang kanyang reaksiyon sa pagtawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na komunista ang Makabayan Bloc at du'n nga namin nai-segue ang issue kay Angel.


Sabi ni Cong. Lito, pabor siya sa ginawa ni Pang. Digong dahil kung hindi naman daw totoo ang akusasyon sa Makabayan Bloc, dapat ay tuwiran nilang sabihing hindi sila komunista o mga rebelde.


Pero sa kaso ni Angel Locsin, kung aakusahan daw itong walang matibay na katibayan, siyempre ay ipagtatanggol niya ang aktres.


Pero dahil nag-sorry na raw ang AFP at nakapag-usap na sila ng kampo ni Angel, sapat na raw 'yun at 'wag nang ungkatin pa. Kailangan na lang daw na maging mas maingat at responsable ang AFP next time sa paglalabas ng mga ganitong pahayag.


Samantala, in-announce rin ni Cong. Lito na by 2022 ay hindi na siya tatakbo sa pulitika at magre-retire na after ng 50 yrs. of service niya.


Malamang, sa dami ng apo niya, makikipag-bonding na lang ang tatay ni Kuya Kim Atienza sa kanyang mga cute na grandchildren.


Pero sana, ituloy pa rin ni Cong. Atienza ang pagho-host niya ng Maynila dahil inaabangan ng mga fans niya ang bulaklakin niyang polo every week. Ganern!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page