Aktres, game na game… SANYA, AMINADONG 2 BESES NANG NATIKMAN NI SEN. BONG
ni Nitz Miralles - @Bida | April 29, 2021

Thirteen weeks o one season ang itatakbo ng Agimat ng Agila kung saan si Sen. Bong Revilla, Jr. naman ang makakapareha ni Sanya Lopez. Aminado ang aktres na nahiya siya kay Sen. Bong sa mga unang araw ng kanilang taping.
“Hindi mo maiwasang mahiya dahil mahusay siyang actor, but you have to control at kailangan mong sabayan si Sen. Bong at para rin masama ako sa Season 1,” sabi ni Sanya.
May kissing scene sina Sanya at Sen. Bong sa Agimat ng Agila at ang bilang ni Sanya, dalawang kissing scenes na ang nakunan. Sabi pa nga nito, mas intense ang kissing scene nila ni Bong dito kesa sa kissing scene nila ni Gabby Concepcion sa First Yaya.
“Nagawa na ang kissing scene namin, okay naman. Gentleman siya at lagi akong tinatanong kung okay ba ako. Gusto nga niyang dayain ang kissing scene namin. Bakit pa natin dadayain?” ayon pa kay Sanya.
Nabanggit pa ni Sanya na may mga eksena na naramdaman niya si Sen. Bong.
“Nabanggit din ni Bong na may kilig siya at may scene na naramdaman ko si Sen. Bong. Ibig sabihin, nag-work ang kilig. Pati staff, kinilig din at sana, pati viewers, kiligin din.”
Blessing kay Sanya na simula May 1, dalawa na ang shows niyang eere sa GMA-7 dahil nauna na ang First Yaya nila ni Gabby. Kaya naman, paulit-ulit ang pasasalamat niya sa GMA-7 sa tiwala sa kanya, sa mga nakakatrabahong directors, writers, at pati na mga nakakasamang co-stars.
Bilang ganti sa tiwala sa kanya ng Kapuso Network, ginagawa niya ang kanyang best para magawa nang mahusay ang kanyang trabaho at magampanan nang mahusay ang karakter at role na ibinibigay sa kanya.
Si Rico Gutierrez ang director ng action-fantasy series at sina Jessica Villarubin at Garrett Bolden ang kumanta ng theme song ng Agimat ng Agila.





Comments