top of page
Search
  • BULGAR

AKTRES-ENDORSER, 'DI NA-HAPPY SA PAG-EDIT SA PICTURE NIYA SA MAGAZINE, TINANGGAL SA SOCMED

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 18, 2022



BLIND ITEM:


Dahil sa hindi magandang pagkaka-edit ng larawan ng kilalang aktres para sa isang magazine ay tinanggal niya ito sa kanyang social media account dahil nag-viral siya.


Nagtataka ang kilalang aktres kung bakit walang tigil sa katutunog ang notification bell niya at nakita nga niya na may kinalaman ito sa larawang ang ganda ng pose niya pero hindi maganda ang pagkaka-edit.


How true na ang nag-edit ng larawan ng kilalang aktres ay nakatanggap ng memo mula sa opisina at pinagpapaliwanag siya sa loob ng isang araw bakit ganu’n ang resulta.


“Tinanong ‘yung gumawa, hindi ba nito napansin na pumangit si (kilalang aktres) sa ginawa niya? Ibig sabihin, hindi perfect ang body niya?” kuwento ng aming source.


Hindi naman nabanggit ng aming source kung nagsabi ang kilalang aktres sa management ng magazine tungkol sa hindi magandang pagkakagawa ng larawan niya.


Ang worry lang ng aming source ay sana, hindi naman mauwi sa suspension ang gumawa ng larawan dahil base sa tsika ay sobrang inaalagaan nila ang kilalang aktres dahil nga hindi madaling magpa-schedule sa kanya ng pictorial at higit sa lahat, malakas ito sa market.


Oo naman, malakas talaga sa advertisers ang kilalang aktres kaya napakaraming produkto ang ineendorso nito. Kaya nga hindi na siya tumatanggap ng TV series dahil mas okay ang maging endorser at mas malaki pa ang bayad.


Agree naman kami dahil ang pinakamurang post ngayon sa social media ng baguhang artista ay nasa 50K hanggang 100K. Ang established artists ay nasa milyones na kahit hindi pa umabot sa milyones ang followers at subscribers.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page