Aktres, balik-'Pinas… RUFA MAE AT MISTER, HIWALAY ULI
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 02, 2021

Nasa 'Pinas pala ngayon ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto. Nagulat ang kanyang mga fans nang mapanood siyang nag-guest sa Daddy's Gurl sa GMA-7.
Marami ang nagtatanong kung dito na ba ulit sa 'Pinas titira si RMQ at babalikan na ang kanyang showbiz career?

Paano ang magiging arrangement nila ng kanyang mister na si Trevor Magallanes na nasa USA ngayon?
Mahigit tatlong taon ding namahinga sa pag-arte si Rufa Mae nang magpakasal siya at nagkaroon ng anak. Kaya, na-miss niya nang husto ang buhay sa showbiz.
Kinukumbinse siya ng kanyang mga kaibigang artista na rito na muna siya sa 'Pinas at balikan na ulit ang kanyang showbiz career. Hopefully, may magandang offer nga na dumating sa kanya.





Comments