Aktres, bago raw pakasal kay Dominic… BALIKANG BEA-JOHN LLOYD, IPINU-PUSH!
- BULGAR
- Oct 25, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | October 25, 2023

Muling nagkita sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz in celebration of their 21st anniversary.
Ipinost ng original love team sa kani-kanilang socmed accounts ang kanilang pagkikita with ABS-CBN President Carlo Katigbak at Dimples Romana.
Caption ni Bea, “One for the books! Who would’ve thought that JL and I would last 21 years as a “love team”?! Wait, can you still call us that?
“We’ve been making our own thing outside the team-up, but we remained part of each other’s lives for two decades. How amazing is that?”
Ibinalita ni Bea na magkakaroon ng musical play ang hit movie nilang One More Chance na gagawin ng PETA, at bongga ang mga songs na gagamitin sa play.
Dito lalong naging exciting ang One More Chance The Musical dahil ang mga awitin ng pinakasikat na banda ngayon na Ben & Ben ang gagamitin sa play.
“Last night was a random celebration of friendships that last, and I woke up to a wonderful news that PETA is doing ONE MORE CHANCE the musical next year with the music of Ben&Ben!” sabi pa ni Bea sa caption.
Inamin ni Bea na sobra ang kasiyahang nadama niya sa pagkikita nilang muli ni John Lloyd.
Say niya, “I had so much fun with you last night @mikkigonzalez @trixabscbn @dimplesromana @dumpsitegallery and @clk117! Let’s do it again!"
Pero mas marami ang comments requesting na muling gumawa ng pelikula sina Beat at John Lloyd.
“'Pag may movie ulit kayo ni Idan, sure na papatok sa takilya at Box Office hit ulit, dahil marami kaming umaasa na magkakaroon ulit kayo ng movie. No. 1 Love Team sa puso ng marami ang Bea-JLC forever and ever.”
“Gumawa kayo ng movie pls. bago ka magpakasal, Bea A.”
Agree kami d’yan!





Comments