top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Aktres at mister, kahit mag-ex pa… MARIEL, SURE NA 'DI NA AAGAWIN NI VINA SI ROBIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 23, 2021




Kampanteng-kampante si Mariel Rodriguez kahit magkasama ngayon sa isang show sina Robin Padilla at Vina Morales.


Malaki ang tiwala ni Mariel sa mister niyang si Binoe kahit alam niyang nagkaroon ito ng relasyon noon kay Vina. At may assurance naman sa kanya si Vina na good friends na lang sila ni Robin at wala siyang balak manggulo at mang-agaw ng mister ng iba.


May inspirasyon na kasi si Vina na nagpapasaya sa kanya ngayon, isang non-showbiz guy, pero wala siyang balak na ihantad at ipakilala sa publiko.


Gusto muna ni Vina na maging private ang kanilang relasyon kaya hindi siya nagbibigay ng detalye sa pagkatao ng kanyang BF ngayon.


Panahon na rin naman na lumigaya na sa kanyang love life si Vina Morales matapos ang ilang kabiguan sa pag-ibig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page