Aktor, walang career sa TV… DOMINIC, GINAYA SI BEA, MAGBA-VLOG NA RIN
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 28, 2021

Dahil "nganga" sa mga projects ang aktor na si Dominique Roque, napag-isipan na rin nitong pasukin ang pagba-vlog gaya ng kanyang rumored GF na si Bea Alonzo na naunang pinasok ang YouTube content creation, na sa aminin man o hindi, di hamak na kumikita ito sa pamamagitan ng vlogging bilang sideline sa panahong ito ng pandemya.
Kaya naman, maging si Dominic ay naengganyo na ring pasukin ang mundo ng pagba-vlog, na kanyang inianunsiyo nitong nakaraang Sabado, Abril 24.
Bilang bagong vlogger, excited na raw siyang ibahagi sa madlang pipol ang pinakauna nitong vlog.
Ilang dosenang celebrities natin ang milyones ang kinikita sa pagba-vlog, gaya ni Ivana Alawi na siyang pinaka-in demand sa vlogging site, hanggang sa ginaya na ang sexy actress ng mga taga-showbiz.
Aminado naman si Dominique na bukod sa pinagkakakitaan ang vlogging, isa umanong dahilan kaya pinasok ito ng mga artista ay para raw mapalapit sa kanilang mga tagahanga.
Tiyak na aasahan ng kanyang mga fans ang pagsasama nila ng kanyang idine-date na si Bea Alonzo sa kanyang vlog.
“Collab with B, please! When kaya?” komento ng isang tagahanga na may user name na @beadom_shippers.
Huwag lang sanang akusahan ng mga fans na 'ginagamit' ni Dominic si Bea para kumita sa pagba-vlog.
Malagpasan kaya ni Dominic ang naitalang subscribers ni Bea na umabot na sa mahigit 1.6 million?





Comments