top of page
Search
  • BULGAR

Aktor, todo-pakilalang single… HERLENE, DAWIT SA PAGLANTAD NG MADIR NG ANAK NI ROB

ni Nitz Miralles @Bida | August 9, 2023



Nadadawit si Herlene Budol sa isyu ni Rob Gomez at ng live-in partner nitong si Shaila Rebortera dahil magkasama sina Herlene at Rob sa Magandang Dilag. Kahit walang ligawan sa pagitan nina Herlene at Rob na nilinaw ng aktor nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda, nadadamay pa rin siya kahit papaano.


Ang sabi, hindi nagustuhan ni Shaila ang “Single” na sagot ni Rob nang tanungin ni Boy kung ano ang status niya na ginawa lang daw ng aktor para sa kanyang career at sa Magandang Dilag nila ni Herlene na mataas ang ratings.


Malalaman kung makakaapekto sa ratings ng series itong isyu na kinasasangkutan ni Rob, pero kung patuloy na mataas ang ratings, ibig sabihin, hindi lang tambalan nina Herlene at Rob ang habol ng mga viewers, kundi pati na rin ang story nito.


Heto nga at dahil sa mataas na ratings ng afternoon series, balitang extended ang Magandang Dilag, magdaragdag ng mga eksena na titiyakin ng mga writers at ni Director Don Michael Perez na hindi makakasira sa takbo ng istorya.


Wala pang comment si Herlene sa pagkadawit niya sa isyu nina Rob at Shaila, wala pa yatang nakapagtanong. Saka, busy pa ito sa pagpo-post ng bago niyang billboard na in fairness, pinasalamatan nito ang former manager niyang si Wilbert Tolentino.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page