Aktor, solb na solb sa pag-aasikaso ng labs… JULIA, NAG-ARAL SA 4 NA CULINARY SCHOOL MAIPAGLUTO LANG SI COCO
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 12, 2026

Photo: IG _mateog & _mond
Ibang klase palang mag-asikaso ang aktres na si Julia Montes sa mga pangangailangan ni Coco Martin. Kaya naman pala hindi na naiisip pa ng aktor ang gumala at mag-good time pagkatapos ng taping ng kanyang serye. Diretso-uwi na siya agad dahil naghihintay ang mga paborito niyang pagkain na luto ng kanyang first lady.
Ipinagmamalaki ni Coco na napakasarap magluto ni Julia. Nag-aral pa raw ito sa 4 culinary schools para lang matutunan ang iba’t ibang recipes na inihahanda para kay Coco.
Sey nga ng aktor, bukod sa lagi siyang busog ay sobrang maalaga raw si Julia at laging nakahanda ang kanyang mga gamit pagdating niya sa bahay.
Pareho lang naman sila ni Julia na homebody, mas gusto na nasa bahay lang kasama ang sinasabing mga anak nila.
Well, hindi na nga maiisipan ni Coco Martin na maghanap pa ng iba kung katulad ni Julia Montes ang kanyang partner in life. At mas magiging magaan ang kanilang trabaho ngayong magkasama sila sa seryeng Sigabo.
OVERWHELMING ang pagtanggap ng mga Pinoy sa Chinese actress na si Linda Walker (Zhang Yingfei in real life) nang dumating sa ‘Pinas upang i-promote ang kanyang advocacy sa education.
Ang pagbisita ni Linda Walker ay suportado ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII).
Mula sa kanyang paglapag sa airport na sinalubong ng media at grupo ng mga vloggers, hanggang sa pagbisita niya sa opisina ni Manila Mayor Isko Moreno, ay game na game si Linda Walker.
Bumisita rin siya sa Quezon City High School bago ginanap ang kanyang mediacon sa Luxent Hotel nu’ng Martes.
May one-on-one interview din siya kay Ms. Jessica Soho para sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Nag-guest din si Linda Walker sa programang Unang Hirit (UH) at sa It’s Showtime (IS).
Napaiyak naman ang Chinese actress nang kantahan ng birthday song sa ginanap na meet and greet fans day. Kaarawan ni Linda Walker bukas, June 13.
Kahit na napagod sa short stint sa ‘Pinas, masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga kababayan natin. People-friendly siya at game rin na tumikim ng ilang Filipino food.
Nakilala si Linda Walker nang magbida sa vertical series na The Heiress Who Won With Brains (THWWWB).
NAGING emosyonal si Ruru Madrid nang mag-taping ng seryeng Hari ng Tondo (HNT) sa dating Quezon City (QC) Jail. Dito rin kasi kinunan ang mga eksena nila ni
Dennis Trillo sa award-winning movie na Green Bones (GB).
Sa HNT, muli na naman silang magkakasama ni Dennis na iniidolo niya bilang aktor.
Marami siyang natutunan sa aktor, una na rito ang pagiging professional sa trabaho.
Nakikita niya ang passion at dedication ni Dennis sa kanyang trabaho, at ito ang gustong tularan ni Ruru. Sinisikap niyang pantayan ang galing ni Dennis sa pag-arte.
Marami pang pagdaraanan na challenges si Ruru bago niya mapantayan ang status ni Dennis. Willing naman siya na matuto at hindi niya sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA-7.





Comments