Aktor, problemado sa pamilya… JANINE, NEVER IIWAN SA LABAN SI ECHO
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 11, 2026

Photo: IG _janinegutierrez
May pangako si Janine Gutierrez kay Jericho Rosales sa kabila ng isyu sa pamilya ng aktor.
Tiniyak niya na mananatili siya sa tabi ng BF, tulad ng walang sawang pagsuporta nito sa kanya simula pa noon.
Bago umpisahan ang panayam sa aktres ay binati muna niya ang kasintahan matapos itong hirangin bilang Best Actor sa ika-9 na Entertainment Editors’ Choice (The Eddys) para sa mahusay na pagganap nito sa pelikulang Quezon.
“Binabati kita! Sobrang saya ko para sa ‘yo,” sey ni Janine.
Para sa mga hindi nakakaalam, wala sa bansa si Janine nu’ng 9th Eddys Awards Night kaya hindi niya personal na nasamahan si Echo.
Gayunpaman, binanggit ni Echo sa acceptance speech nito na isa sa mga pinagmumulan ng kanyang lakas si Janine.
Inialay din ni Jericho ang kanyang panalo sa kanyang ina, na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na Alzheimer’s (pagkawala ng memory).
Samantala, ibinahagi ni Janine ang kuwento sa likod ng nabanggit na ‘holding hands’ moment.
Aniya, “Medyo literal ‘yung kuwento na ‘yun kasi may time na nag-prosthetics s’ya. Binuhusan ng prosthetics ‘yung mukha n’ya so natatakot s’ya kaya literal na nakahawak ako sa kamay n’ya.”
Bukod dito, binigyang-diin din niya na mananatili siyang matatag na katuwang ng aktor sa pagharap sa anumang personal na hamon na maaaring dumating sa kanya.
“Kahit na anong pagdaanan ng isa’t isa, one of the things na ipinagpapasalamat ko is nand’yan s’ya palagi. So of course, nandu’n din ako para sa kanya. Walang bibitaw,” lahad ng Kapamilya actress.
Kung matatandaan, kamakailan ay naging laman ng mga balita si Jericho matapos sabihin ng asawa ng kanyang kapatid na si Jeremiah Rosales na diumano’y bumalik sa paggamit ng ilegal na droga ang huli at hindi mahanap.
Gayunpaman, agad na nilinaw ng aktor na ligtas si Jeremiah at kasalukuyang kasama ang kanilang pamilya sa probinsiya.
Inakusahan din ng misis ni Jeremiah si Jericho na siya umano ang sinisisi nito sa pagbabalik ng kapatid nito sa dating bisyo.
25K tao ang kasya… BINI, UNANG PINOY PERFORMER SA SM SEASIDE ARENA SA CEBU
OPISYAL nang binuksan ang SM Seaside Cebu Arena, isang bagong world-class venue sa Cebu na nagkakahalaga ng P7 bilyon. Ito ay kayang mag-accommodate ng hanggang 25,000 katao, mas malaki kaysa sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.
Sinabi ni Hans T. Sy, chairman ng SM Prime Holdings, na nais nilang madala si Bruno Mars sa SM Seaside Cebu Arena.
Ayon sa kanya, gusto sana nila itong gawing sorpresa, ngunit kasalukuyan pang abala ang singer sa kanyang world tour kaya wala pang kumpirmasyon.
Nagpahiwatig din si Hans na nais nilang madala sa SM Seaside Cebu Arena ang isang K-pop girl group na may Pilipinang miyembro. Nang tanungin siya kung KATSEYE ba ang tinutukoy niya, sumagot siya ng “Partly”.
Ibig sabihin, inaasahan at pinagsisikapan pa lamang na makapagdaos ng concert doon sina Bruno Mars at KATSEYE.
Pahayag niya, “We did this 20 years ago when we still had a huge land bank. But this is definitely not the last. There should be more developments to come. We've been focused on township developments for a long time.”
Ang BINI ang unang nakatakdang magtanghal sa Seaside Cebu Arena para sa kanilang Signals World Tour ngayong July 11.
Ang iba pang siguradong magtatanghal ay ang IV of Spades, sina TJ Monterde & KZ Tandingan, Hillsong Worship, at ang LANY.





Comments