Aktor, pinatatahimik… RESBAK NI JACLYN: ALBIE, BINUGBOG SI ANDI KAHIT BUNTIS
- BULGAR
- Oct 31, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 31, 2021

Dinepensahan ng aktres na si Jaclyn Jose ang kanyang anak na si Andi Eigenmann sa mga latest na pahayag ni Albie Casiño.
Hanggang ngayon pala ay wala pa ring closure sina Andi at Albie. Napakalaking kontrobersiya kasi ang nilikha ng pag-amin ni Andi na si Albie ang ama ng ipinagbubuntis pa lang niya noon na si Ellie, na later on, lumabas na ang tunay na tatay ay si Jake Ejercito.
Ipinost ni Jaclyn ang screenshot ng TV screen na may nakalagay na "ALBIE CASIÑO INIHAYAG NA NO HOLDS BARRED."
Sa kanyang caption ay nakiusap si Jaclyn kay Lauren Dyogi (ABSCBN executive) na ‘wag galawin ang kanyang apo at tigilan na ang pagsasalita ni Albie.
“'Wag mo hayaan mag-materialize ang PBB ng Albie lang… sasagutin ko siya… maaaring rating.. pero magkapatid tayo… nakikiusap ako, nananahimik na si Andi,” lahad ni Jaclyn.
Pero kung matutuloy daw ang mga sasabihin ni Albie, meron din siyang sagot.
“Lauren, you can stop him or go on (rating), sige mapapahiya kayo kasi lalahatin ko na,” sabi pa ni Jaclyn.
May banta pa si Jaclyn na sasabihin niya in public kung paano bugbugin ni Albie si Andi kahit buntis.
Pero mukhang 'di pabor ang reaksiyon ng mga netizens sa mga sinabi ni Jaclyn.
“Ng 'Albie lang'? Wow!!!! Grabe lang. Sobrang taas ng tingin nila sa sarili nila at ang baba ng tingin kay Albie!!!!”
“Eh, baka kaya nagawang saktan ni Albie kasi nalamang nangangaliwa si Andi. Remember ko interview ni Jaclyn, sabi niya kay Albie, 'Be man enough' kasi nga, hindi inaamin na anak niya 'yung dinadala ni Andi."
“Bakit nga aaminin kung hindi naman talaga niya anak? Ayan, oh, si Jake Ejercito 'yung tunay na tatay ni Ellie. Proud na proud sila sa social media."
Naintindihan din ng mga netizens ang pinanggagalingan ni Jaclyn bilang ina ni Andi.
“True! Iba talaga 'pag nanay, tapos 'di niya maiwasan magalit kasi madadawit talaga apo niya dahil that time, 'yun 'yung ipinagbubuntis ni Andi."
“I understand na nanay siya pero I don't think fair din kay Albie ang nangyari. 'Di bale kung pagkapanganak, binawi nila 'yung pagpapalabas nila na si Albie ang ama, eh, kaso it took them years at hindi intentional, by accident pa kaya nagkabukingan. I think mas malala 'yun Mommy Jac. Ni wala rin kayang public apology. Imagine how many years na-bash si Albie.
The trauma at 'yung time, 'di mo na maibabalik.”
So, there.





Comments