Aktor, niyaya ng inuman, misis tumalak… JANELLE TEE, PINAGPIPIYESTAHANG KABIT DAW NI BARON
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 27, 2022

Nag-viral at pinagpipiyestahan ngayon ang rant sa Facebook ng non-showbiz wife ng magaling na aktor na si Baron Geiser na si Mrs. Jamie Marie Geisler.
Ramdam kasi sa kumalat na FB post ni Misis G. na "G na G" (as in galit na galit at gustong manakit, char!) siya sa isang babaeng gusto raw umepal at umagaw sa kanyang asawang si Baron.
Mababasa sa kanyang FB post, "Booking a car for a married man to go drinking at your place ain't cool. It is very unbecoming of a single Christian woman. I support and respect my husband's craft, but I don't tolerate such disrespect. So, let's keep it professional."
Sa comment section ay nagbigay ng hint si Jamie sa identity ng girl na nagyaya kay Baron ng inuman sa place nito.
"I suggest you train your talents/starlets to learn how to get out of character," aniya at naka-tag ang Viva Artist Agency.
Dagdag pa niya, "This post is to encourage setting boundaries. I don't intend to humiliate anyone, but I value my mental health and my family. Wrecking a family shouldn't be an avenue to get famous, breast exposure, and being f*cked on screen should be enough. Know your place."
Dahil d'yan, may mga friends ang misis ni Baron na nag-comment hanggang sa may nag-mention nga sa pangalan ng sexy star na si Janelle Tee bilang the 'other woman' umano.
Sa ngayon, wala pa kaming naririnig na sagot ni Janelle Tee sa pagdawit sa pangalan niya hinggil sa socmed rant ng misis ni Baron, pero bukas ang aming pahina para sa kanya.





Comments