top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Aktor, ngayong 40 na… JULIA KAY COCO: SARILI MO NAMAN ANG ISIPIN MO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 2, 2021





Kahapon, Nov. 1 ay ipinagdiwang ni Coco Martin ang kanyang 40th birthday at siyempre, dumagsa ang kanyang well-wishers sa social media since alam naman nating maraming nagmamahal sa aktor.


And of course, nangunguna sa pagbati ang mga kasamahan niya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Sa video na inilabas ng Dreamscape Entertainment kahapon ay isa-isang nagbigay ng birthday message kay Coco ang kanyang mga co-stars na ang finale ay ang rumored girlfriend ng aktor na si Julia Montes.


Sa kanyang mensahe ay sinabi ng aktres na wish niyang isipin naman ni Coco this time ang sarili.


"Hi, Co! Happy, happy birthday! It's your 40th birthday, sana ma-enjoy mo. Lagi mo kaming iniisip, mga kaibigan mo, mga katrabaho mo, pamilya mo, mga mahal mo sa buhay. Ngayon, this time, it's your special day, sana, sarili mo naman ang isipin mo at ma-enjoy mo ‘yung espesyal na kaarawan mo," sey ni Julia.


Inamin din ng aktres na inspirasyon si Coco para sa kanya at sana nga raw ay huwag mapagod ang aktor na magbigay ng inspirasyon at pagmamahal.


"Thank you for being an inspiration to everybody, especially sa akin. Aaminin ko, talagang inspirasyon ka sa lahat ng aspeto. Kung paano ka magmahal ng tao, ng katrabaho mo, kung paano ka magmahal sa trabaho.


“Continue to be that good person. Huwag na huwag kang mapapagod na magbigay, magmahal at maging inspirasyon pa sa maraming-maraming tao.


“Maraming-maraming salamat sa iyo, Co, and happy birthday!" sey pa ni Julia.


Ang iba pang kasamahan ni Coco sa FPJAP na nagbigay ng birthday message ay sina John Estrada, Angel Aquino, Lorna Tolentino, Rowell Santiago, Tirso Cruz III, John Arcilla, Michael de Mesa, Mark Solis, Bassilyo, Smugglaz, Rosanna Roces, Raymart Santiago at Shaina Magdayao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page