top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Aktor, nanginginig na raw… LOVI, IBINUKING NA SINA JANINE AT PAULO NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 16, 2021





May mga kinilig na sa tambalan nina Lovi Poe at Janine Gutierrez sa LGBTQ+ series na Sleep With Me na gagawin ng dalawa at mapapanood via streaming.


Salbahe lang si Lovi dahil parang ibinuking na sina Janine at Paulo Avelino dahil sa post sa Instagram na “Newest love team. Paulo Avelino is shaking.”


Nag-react ng emojis si Paulo na tinukso rin ng mga followers ni Lovi na naunahan daw

siya ng aktres kay Janine. May nag-comment pa na may karibal na siya kay Janine.


Una nang gumawa ng LGBTQ-themed series sina Andrea Torres at Kylie Padilla at may kissing scene ang dalawa. Magkaroon din kaya ng kissing scene sina Lovi at Janine?


Parehong professional at magaling na aktres ang dalawa at kung may kissing scene man sila, kanilang gagawin.


Anyway, may tweet ang director ng Sleep With Me na si Samantha Lee na sa interview niya kina Lovi at Janine, pinagbawalan siya ng handler ng isa sa dalawang aktres na tanungin ang talent niya ng LGBTQ+ questions.


Kaninong handler kaya itong mahigpit at nasunod ba ang pakiusap niya?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page