Aktor, nagsalita na… PAULO, ‘DI ITINANGGING BUNTIS SI KIM

ni Beth Gelena @Bulgary | October 9, 2026

Photo: FB Circulated
Hindi man diretsahang umamin, hindi rin tahasang itinanggi ng aktor na si Paulo Avelino ang usap-usapang buntis si Kim Chiu.
Sa kamakailang panayam, natanong si Paulo kung ano ang masasabi niya sa mga espekulasyon tungkol sa ‘condition’ ni Kim. Simple ngunit kapansin-pansin ang kanyang sagot.
“Speculations are speculations until proven, so tingnan na lang natin.”
Bukod dito, sinabi ng aktor na nasa Pilipinas lamang si Kim at abala sa pagbubukas ng mga pop-up store para sa kanyang House of Little Bunny (HOLB) bag business.
May iba pa raw itong pinagkakaabalahan na hindi muna maaaring ibunyag ni Paulo.
Kaya naman, imbes na tuluyang mapawi ang usap-usapan, tila lalo pang naging palaisipan sa ilang KimPau supporters ang naging sagot ng aktor.
Sa ngayon, nananatiling haka-haka ang pregnancy rumor at tanging sina Kim at Paulo lamang ang makapagbibigay ng malinaw na kumpirmasyon o paglilinaw sa usapin ng pagbubuntis ng Chinita Princess.





Comments