Aktor, kumanta… LIZA, NAG-HELLO SA 'BIG BIRD' NI ENRIQUE
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 3, 2024

True, kakaibang Enrique Gil nga ang nagbabalik, hindi lang sa kanyang comeback movie titled I Am Not Big Bird, kundi maging sa mediacon ng kanyang Valentine's Day offering na showing na on February 14 mismo, mas naughty at makulit na Quen ang nakita naming nakipagsabayan sa kapilyuhan ng mga co-stars niya.
Feeling nga ng entertainment press at vloggers na dumalo sa mediacon ay pang-Vivamax ang naturang Valentine movie ni Enrique, pero hindi po, collab project ito ng Black Sheep, Anima Studios, at Immerse Entertainment.
Dahil nga kasi sa naughty title ng comedy barkada movie ni Enrique with co-stars Pepe Herrera, Nikko Natividad, at Red Ollero na shot in Bangkok Thailand, naughty din ang mga tanong sa apat na cast, lalo na kay Enrique na of course, curious ang lahat na malaman kung "big bird" or "not a big bird" nga ba.
Nang diretsong tanungin nga namin si Quen kung alin ba talaga sa dalawa ang totoo tungkol sa kanya, "Pretty good, pretty good big bird naman," lang ang sagot nito na tipong nag-iwan pa ng mystery sa isip ng marami.
When asked by the host MJ Felipe kung bakit ayaw pa niyang i-claim, aniya, "'Wag na, ma-pressure pa, eh!" kaya nagkatawanan.
Hindi naman daw nag-aalala si Enrique na maging tatak na niya ang "not a big bird".
"'Pag napanood mo 'yung pelikula, makikita mo rin naman na ako si big bird," waring nadulas na sagot ng actor-turned comedian.
In fact, minsan daw na nag-CR siya sa ABS-CBN, may mga engineers siyang nakasabay at tinawag siyang "Big Bird" kaya sabi ni Enrique, "Uy, ayos, ah!" na feeling proud siyempre.
And when asked kung ano'ng reaction ng ex-love team niyang si Liza Soberano sa "Big Bird" movie ni Quen, sabi lang daw ng aktres, "Hello, big bird!" kaya nagkatawanan uli.
At in fairness, ha, kahit pala nagkani-kanya na sila ng landas ni Liza, suportado pa rin naman daw nila ang isa't isa at nag-uusap pa rin sila.
Nu'ng tanungin nga namin kung may kapalit na ba si Liza sa 'big heart' ni Enrique, diretsong sagot nito, "Never, man!" kaya nagsigawan ang madlang pipol sa Dolphy Theater na venue ng mediacon.
At nu'ng tanungin si Enrique sa one-on-one kung sila pa rin ba ni Liza, nag-thumbs up lang ito with matching big sweet smile saka lumakad na patalikod sa press people.
So, we wonder tuloy kung totoo nga bang nag-break sila ni Liza or baka naman nagkabalikan na?
Alin…alin… alin ang totoo, Mr. Big Bird, este Enrique Gil pala?
Well, sana mag-watch si Liza sa premiere night ng movie nang masagot na ang mga tanong ng mga Marites.
At kung 'di man sumipot si Liza, baka dahil takot itong matanong kung totoo nga bang "big bird" si Enrique! Hahahaha!
Oh, siya, basta kung gusto n'yong maging masaya ang date n'yo sa Valentine's Day, watch n'yo na lang ang I Am Not Bird Bird na mula sa direksiyon ni Victor Villanueva.





Comments