Aktor, iyak nang iyak… BEA, NAKA-25 TAKES SA SERYE, GUSTO NANG UMBAGIN NI JOHN LLOYD

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 8, 2021

'Kaaliw panoorin ang Never Have I Ever with Angel Locsin vlog ni Bea Alonzo na kaka-upload lang niya sa kanyang YouTube channel nitong Sabado nang gabi.
Pagpapakilala ni Bea sa kaibigan, “Today's episode is a very, very special episode because I am joining by my sister, my friend the Alex to my Bobby and the real life Darna, Angel Locsin.”
Ginampanan ni Angel ang karakter na Alex sa pelikulang Four Sisters and A Wedding (2014) at si Bea naman bilang si Bobby.
Sa naturang vlog, naglaro sila ng "I have" na nagawa na nila in the past at "Never" na hindi talaga nila ginawa.
Sa tanong na “Cut my own hair?” “Never” ang sagot ni Bea at “I have” naman si Angel.
“Nu’ng high school ako, pati mga kaklase ko, ginugupitan ko rin, hindi maganda, tabi-tabingi at uka-uka,” pagtatapat ni Gel.
Sa tanong naman na “Cheated on an exam?” parehong “I have” ang sagot ng dalawang aktres na ikinatawa ni Bea at sabay sabing, “Huwag gagayahin, mga bata. Dati kasi, ‘yung classroom namin, lahat kami, magkakakampi. Kapag nakatalikod ‘yung teacher, ibabato sa ‘yo ‘yung crumpled paper (kodigo). ‘Pag nasa akin na, girl, grabe ang kaba ko na aatakihin ako sa puso na halos hindi ko na (mabasa).”
Sey naman ni Gel, “Sa amin, parang cooperative ang cheating, eh. ‘Yung likod ng ID ko, hindi uso ang laminate dati kaya inilalagay ko ‘yung kodigo, minsan mga formula at umabot ‘yung ID ko sa kabilang classroom.”
“Nahuli ka?” tanong ni Bea.
“Never, pero meron lang isa na buong classroom, lahat kami, 92 (grades), eh, officer ako, ipinatawag ako, ‘Miss Colmenares, bakit ganyan-ganyan?’ Kasi nag-group study kami. Hindi sa dyina-justify ko, mali pa rin talaga ang cheating,” tumatawang sabi ng aktres na ikakasal na ngayong 2021.
Sa tanong na “Damage any props or set,” “Never” ang sagot ni Bea at si Angel naman ay “I have” kaya nagulat ang una, sabay tanong ng “Ikaw? Ano’ng nasira mo?”
“Marami kasi nagpa-fight scene ako, eh, so (nahahagip) ng pamalo,” katwiran ni Darna.
“Understandable naman,” sambit ni Bea.
“Ako, parang wala kasi ang direktor ko, si Direk Cathy (Garcia-Molina). Gusto mong sampalin ako nu’n?”
Pagsang-ayon naman ni Angel, “Sa Four Sisters, talagang nakaantabay kaming lahat (props) as in pinapagalitan niya kami kasi sa continuity.”
Naikuwento ng dalawa na ‘yung set nila sa pelikula na nasa dining room na maraming bulaklak ang pinakamahaba nilang eksena na talagang init na init sila at ‘yung nasa abandoned house sila na kunwari, bahay nila na punumpuno ng alikabok.
“Kaya lahat kami, naglalagay ng yelo sa tenga kasi sobrang init. Si Bea, sosyal ito, eh, may dalang electric fan na may mist. Kami, nagbababad ng towel sa yelo, tapos ilalagay namin sa leeg at tenga namin,” balik-tanaw ni Angel.
Sa tanong naman na “Forgotten my lines during an important scene,” parehong “I have” ang sagot ng dalawang aktres.
“Nangyari na sa akin kay John Lloyd (Cruz) sa Maging Sino Ka Man (teleserye-2006). Nangyari kasi takot na takot ako dati sa aso, girl. Nagbe-breakdown si John Lloyd tapos may pumasok na aso, dapat isang paragraph ang gagawin ko, nakalimutan ko lahat. Pang-25 takes na namin ‘yun, 25 takes din siyang umiiyak (JLC). Gusto niya siguro akong umbagin nu’n, naintindihan naman niya,” pag-alala ni Bea.
“Ako naman, maraming beses na pero ang memorable ay ‘yung kaeksena ko si Ms. Lorna Tolentino. ‘Di ba, ‘pag may mga ganu’ng artista kang katrabaho, dapat hindi ka magkamali? First time ko siyang makaeksena, tapos Chinese ako (Mano Po 5: Gua Ai Di, 2006). So drama, pumasok ako at luluhod ako kasi fiancée ako, so, pagpasok ko ‘Action!’ hala, hindi ko na alam ‘yung Chinese (line) na sasabihin ko, nag-imbento ako ng sinabi, pero alam mo, good take! Siguro, dinub na lang nila. Siguro, ayaw na lang i-cut ‘yung emotion ng umaarte,” tumatawang kuwento ni Angel.
Pareho namang “Never” ang sagot ng dalawa sa tanong na “Missed a taping to go on a date.”
“Priority namin ang work,” sagot kaagad ni Bea.
“Saka nakakahiya ‘yun, maraming maghihintay sa ‘yo, never-never. Saka na ang kalandian,” katwiran naman ni Angel.
“Next na lang ang kalandian,” natawang sabi rin ni Bea.
“I have” naman ang sagot ni Angel sa tanong na “Looked in someone’s phone without their permission” at “Never” si Bea.
“Nag-picture ako, tapos ginawa kong wallpaper ni Enchong (Dee),” tumawang sabi ni Bea.
“Uso kasi ‘yun. Ako naman, lalo na sa kapatid ko, lagi niya kasing iniiwan ‘yung Facebook page niyang nakabukas, so, hina-hack ko like naglalagay ako ng, ‘Oh, my God, kailangan kong maglagay ng deodorant ngayon,’ mga ganu’ng caption, tapos magugulat na lang siya. Pero ‘yung mga text messages, never,” kuwento naman ni Gel.
Pareho rin nilang hindi binabasa ang cellphone ng partner nila at sey ni Bea, “Dapat ang foundation, trust.”
Ang lutong ng tawa ni Bea sa tanong na “Drunk texted or drunk called someone” at sabay sabing “I have” at “Never” naman ang sagot ni Angel. Pero, hindi na sila nagkuwento kung sino at saan nangyari.
Bukas ang karugtong ng nakakaaliw na Q&A ng magkaibigang Bea Alonzo at Angel Locsin.





Comments