Aktor, good influence raw sa misis… DEREK AT ELLEN, MAY BAGONG NEGOSYONG ICE PLANT
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 23 , 2021

May bagong negosyo ang newlywed na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, ang Mr. Freeze, isang ice plant na itinayo nila sa Balagtas, Bulacan.
Napakalaki at moderno ng nasabing ice plant. Tiyak na kikita sila nang malaki sa negosyong ito.
Mahilig sa negosyo si Derek Ramsay. Kaya naman ngayong mag-asawa na sila ni Ellen ay tinuturuan na niya na magkaroon ng sarili niyang negosyo ang misis.
At least, may pagkakaabalahan si Ellen at natutulungan pa niya si Derek sa pagma-manage ng kanilang mga negosyo.
Natutuwa naman ang mga kaibigan ni Ellen dahil good influence raw si Derek kay Adarna.
Seryoso na ngayon sa buhay ang aktres na dating may imahe ng pagiging easy-go-lucky dahil anak-mayaman.





Comments