top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Aktor, 21 yrs. old na noon… COCO, UMAMING 13-ANYOS PA LANG SI JULIA, TYPE NA TYPE NA NIYA

BULGAR
Aug 3, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | August 03, 2021



Kinilig pang lalo ang mga fans nina Coco Martin at Julia Montes sa inamin ng aktor na 13 years old pa lang si Julia — at siya naman ay 21 years old that time — ay nagparamdam na siya sa aktres.


Ibig sabihin, matagal nang gusto ng aktor si Julia, mula pa noong magkasama sila sa teleseryeng Walang Hanggan.


“Ano pa siya noon, bagets, mga 13, 14 years old. Ako naman, siguro, mga 21 years old. Nagtangka ako sa kanya... nagtangkang mambola, na-reject ako. Tapos, after that, nu’ng ano na, nagkita na kami sa ano na, Walang Hanggan...,” pag-amin ni Coco sa interview sa kanila ni Julia sa TV Patrol.


Sabi naman ni Julia, “'Yung mga misconception na akala niya, ayaw ko sa kanya, siyempre, ‘yun, napag-usapan din naman, so mas... na-prove ko ba?”


Sinundan ito ni Coco sa pagsasabing “Siyempre, na-prove ko naman na okay ako sa kanya, saka... ayun... pa’no ba i-explain?”


Kuwento pa ni Coco, sa pelikulang A Moment in Time sila naging komportable ni Julia. Sa lola lang daw ng aktres hindi siya agad umokey. Pero ngayon, siguro naman, okay na okay na si Coco sa lola ni Julia.


Sa inamin ni Coco, lumalabas na nine years ang age gap nila ni Julia at hindi ‘yun naging problema sa kanila. Wala tayong narinig na naging problema nila at wala tayong nabalitaan na nag-away sila.


Ready na ang CocoJuls fans na mapanood sina Coco at Julia gabi-gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page