top of page

Akala raw si KC ang kasama sa Tate, si Alessandra lang pala… NETIZENS KAY PIOLO: PAASA!

  • BULGAR
  • Jul 9, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 09, 2021



"Paasa" ang tawag ng mga netizens kay Piolo Pascual pagkatapos niyang i-reveal on his Instagram account kung sino ang tinutukoy niyang babalikan niyang "whirlwind romance" sa una niyang post.


Few days ago ay isinulat namin ang IG post ni Piolo na handa na siya para sa kanyang whirlwind romance sa LA.


Last Tuesday ay may post ulit sa IG si Papa P. tungkol sa kanyang ‘whirlwind romance.’


“Our whirlwind romance finally ends here. To my Fream, thank you for flying all the way to the States to give birth to our baby…your selfless love and beautiful heart will finally be seen and experienced by the world,” first part ng caption ni Papa P. sa kanyang latest IG post.


Ang tinutukoy na “Fream” ni Papa P. ay walang iba kundi ang aktres na si Alessandra de Rossi, ang leading lady niya sa pelikula nila na may pamagat na Fluffy and Fream.


Meaning, magkasama ngayon sa US sina Papa P. at Alessandra.


Nag-post si Alex (palayaw ni Alessandra) sa comment section ng IG story ni Papa P. na may dalawang taong naglalakad sa hallway ng isang hotel, na malamang ay ang aktor at si Alessandra. Nakatalikod sila at magkaakbay habang naglalakad.


“Kiss me peej…(four laughing emojis) I love you! Salamat sa tiwala! @netflix,” comment ni Alessandra.


Maraming kasamahan sa industriya ang bumati kina Papa P. at Alex.


Pinasalamatan din ni Papa P. ang Netflix sa second part ng kanyang caption.


“Thank you so much @netflix for taking us in and for the wonderful stay in LA. @msderossi Isa kang legend! Salamat sa pagmamahal at tiwala…#myamanda coming out on July 15 #globallaunch,” end ng caption ni Papa P.


Disappointed naman ang ilang netizens nu’ng matuklasan kung sino ang ka-‘whirlwind romance’ ni Papa P. sa LA.


“Labo naman ng message. For a movie pala.”


“Akala ko si Ms. KC Concepcion ang dahilan ng pagpunta ng LA, eh.”

“Akala ko rin, paasa naman."


“Kaasar, paasa naman 'tong si Papa P (two crying emojis).”


So, there.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page