top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

May pang-tuition na raw… BABY NI KIRAY, NIREGALUHAN NG P500K SA BABY SHOWER

Writer: BULGAR
BULGAR
46 minutes ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 10, 2026



WINNER - BABY NI KIRAY, NIREGALUHAN NG P500K SA BABY SHOWER_IG _kiraycelis

Photo: IG _kiraycelis



Nagulat si Kiray Celis sa regalong natanggap ng first baby nila ng mister niyang si Stephan Estopia sa ginanap na baby shower. Tumataginting na P500K worth of educational plan kasi ang ipinagkaloob sa kanilang soon-to-be-born baby.


Sigaw ng aktres, “May nagregalo ng kalahating milyon sa anak ko! Ang BUNGA ng esmeringhoy! Kilalanin ang mga NINONG at NINANG ng anak ko.”


Kinongratyuleyt si Kiray ng mga netizens sa regalong P500K para sa baby nila:

“Congratulations, Kiray!”


“Excited na akong makita ang inaanak ko!”

“‘Yung 500K talaga for baby boy, eh.”


Sey ni Kiray nang iniabot sa kanila ang P500K worth of educational plan, hindi na raw nila poproblemahin ang pag-aaral ng kanilang soon-to-be-born baby boy.

Bonggabels!





Nahirapan daw dahil conservative…

JANELLA, GAME NANG MAGPA-SEXY



INAMIN ni Janella Salvador na handa na siyang maging daring. Hindi naging madali ang desisyon niyang ito to show her body in public.


Matagal daw siyang nag-isip na pasukin ang pagpapaka-daring dahil hindi siya comfortable with her body. Siya raw mismo ay hindi tumitingin sa sarili niyang katawan dahil lumaki siya sa konserbatibong pamilya.


And now, pasabog daw ang unang entrada ni Janella sa larangan ng pagpapaseksi sa showbiz. Pero nilinaw agad niya na hindi siya lalabas sa cover ng isang sexy magazine.


Na-excite naman kami when we asked Janella sa Tara sa Paskong Kapatid Thanksgiving Celebration ng TV5 kung saan unang makikita ang kanyang kaseksihan.


“Uh, malapit na! This month,” excited na announcement ni Janella na isa sa mga bida ng bagong Kapatid serye na The Good Doctor with Iñigo Pascual.

Malamang daw ay sa kalendaryo lalabas ang sexy pictures ni Janella.


Hindi sumagot ang aktres-singer pero ang laki ng kanyang ngiti. This month ay sunud-sunod ang launch ng mga calendars ng iba’t ibang nakakalasing na inumin. Alin kaya sa mga ito lalabas si Janella bilang bagong endorser?

Abangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page