top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

Nagpakita na sa NBI… CRISTY AT ROMEL, HANDA SA DEMANDA NI CLAUDINE

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 10, 2026



SHEET - CRISTY AT ROMEL, HANDA SA DEMANDA NI CLAUDINE_FB Claudine Barretto & Cristy Fermin & Romel Chika Circulated

Photo: FB Claudine Barretto & Cristy Fermin & Romel Chika Circulated



Trending kahapon ang pagpunta ng mga hosts ng Cristy FerMinute at Showbiz Now Na (SNN) na sina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa reklamong cyberlibel ng aktres na si Claudine Barretto.


Kasama nina ‘Nay Cristy at Romel ang legal counsel nilang si Atty. Shirley Tabangcura-Dasco at nabanggit ng una kung bakit sila pumunta sa nasabing ahensiya.


“Respeto namin sa ahensiya ang dahilan kaya kami dumalo sa patawag ng NBI (National Bureau of Investigation),” katwiran ni ‘Nay Cristy sa tanong ng ABS-CBN News.


Matatandaang nagsampa ng reklamo ang aktres sa opisina ng hepe ng NBI na si Atty. Melvin Matibag at nabanggit naman sa video ng huli na ipatatawag nga niya ang mga inireklamo.


Ipinagdiinan ni Claudine na gusto niyang panagutin ang SNN hosts dahil lagi raw siyang sinisiraan.


Anyway, hindi nagpasa ng counter-affidavit sina ‘Nay Cristy at Romel Chika.

“‘Di kami nagbigay ng counter-affidavit namin, hihintayin na lang namin sa piskalya ang pormal na reklamo ni Claudine,” pangangatwiran ni ‘Nay Cristy.


Muling ipagtatanggol ni Atty. Shirley sina ‘Nay Cristy at Romel Chika sa kasong kakaharapin nila kay Claudine, tulad ng ginawa niya sa parehong reklamong isinampa ng aktres na si Bea Alonzo.





GAWING mas makabuluhan ang inyong fitness journey ngayong Nobyembre sa KaRUNungan 2026: Bawat Hakbang, Para sa Bata na isang virtual fundraising run ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI). Ito ay magbibigay-daan upang mas marami pang paaralan at mag-aaral sa buong bansa ang makinabang sa de-kalidad na educational video resources.


Pumili sa 5K, 10K, o 21K challenge. Maaari mong kumpletuhin ang napiling distansiya sa isang araw o unti-unting ipunin ang mga kilometrong iyong tatakbuhin sa buong buwan ng Nobyembre (1–30), sa oras at lugar na pinakaangkop sa iyo.


Para makasali, alamin ang race instructions at mag-register sa Knowledge Channel website Karunungan 2026 hanggang Nobyembre 15. Muling binubuhay ng KaRUNungan ang adhikaing pag-isahin ang mga indibidwal at komunidad sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at pagpapalawak ng oportunidad sa pagkatuto para sa bawat batang Pilipino.


Unang inilunsad noong 2004 bilang ‘Lakad Mo, Pangarap Ko’ ang kampanya na nilahukan ng mahigit 8,000 indibidwal at nakalikom ng P5.8 milyon bilang suporta sa edukasyon.


Para sa iba pang updates patungkol sa KaRUNungan 2026, i-follow ang Knowledge Channel sa Facebook (FB), TikTok, Instagram (IG), at X (dating Twitter) o bisitahin ang Knowledge Channel website.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page