top of page
Search
  • BULGAR

AJ, TODO-EXPLAIN NA 'DI SIYA KABIT NI ALJUR, SOPLA SA NETIZENS

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 21, 2023



Hindi nagustuhan ng mga netizens ang video ng sexy actress na si AJ Raval sa kanyang Facebook kung saan kinlaro niya ang kanyang relasyon kay Aljur Abrenica. Hindi raw siya ang third party o dahilan kung bakit naghiwalay si Aljur at ang misis nitong si Kylie Padilla.


Sinabi rin ni AJ na hiwalay na talaga ang dalawa nang magsimula ang relasyon nila ni Aljur, kaya’t wala raw silang sinaktan o nilokong tao.


Ang isang netizen, ipinagdiinan na kabit pa rin si AJ, “Kahit ano pang sabihin mo, AJ, other woman ka pa rin hangga’t kasal pa sila. Sayang ang ganda mo, pumatol ka sa may asawa.


Marami ka pa sanang makikita na deserve mo, ‘yung ikaw lang at walang sabit.”


Pero may mga netizens na ipinagtanggol naman ang sexy actress, “Kylie already has a BF.


So, move on na.”


“Change that mindset, ante. Kung si Kylie nga, naka-move on na, sana, ikaw din. Life is short to let that moment pass kung nahanap mo na ‘yung taong gusto mo at nagpapasaya sa ‘yo.”


“Meron na rin naman si Kylie nu’ng naging sila ni Aljur. Tigilan n’yo na si AJ.”


“Serious question. Paano if the annulment takes 5 or even 10 years, hihintayin mo na mag-10 years para lang hindi ma-judge rito sa ‘Pinas? Paano kung wala naman silang kinalaman sa hiwalayan? Nakakaumay din ang sistema rito, makalumang mindset at holier than thou attitude ng mga tao.”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page