top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

AI AI: CONTESTANTS SA THE CLASH, 'DI PA SIKAT, MAYABANG NA

BULGAR
Sep 30, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 30, 2021



Malaking challenge para sa production ng The Clash ang kanilang gagawing pagtuklas ng magagaling na singers ngayong panahon ng pandemya. Hindi madali ang proseso dahil sa mahigpit na health protocols na pinaiiral.


Bale pangalawang taon na rin na sa new normal situation nagaganap ang competition ng The Clash. Walang studio audience 'di tulad noong The Clash 1 & 2.


Nakapili na ngayon ng 30 contestants na maglalaban-laban. Sila ay galing pa sa Luzon, Visayas at Mindanao.


Mapapanood na sa Sabado ang premiere telecast ng The ClashSeason 4 sa GMA Network.

Masaya naman ang mga judges ng The Clash 4 na sina Ai Ai delas Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista sa pagbabalik ng The Clash. Mabibigyan ng chance at break ang mga aspiring singers na gustong makilala sa larangan ng musika.


May advise lang si Ai Ai sa mga unang nanalo sa The Clash. Huwag daw munang lalaki ang ulo at 'wag mag-attitude. May ilan daw kasi sa mga unang naging finalists noon na ayaw mag-rehearse kahit nasa finals na ang competition. Masyadong confident ang ibang contestants.


Ikinatutuwa naman ng mga hosts na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na may bagong batch na ang The Clash. Maging ang mga journey hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela ay ganadong i-guide ang 30 contestants ng show.


Gusto nilang i-share sa mga ito ang kanilang mga experiences noong nag-uumpisa pa lang sila sa kanilang career sa showbiz.


Si Louie Ignacio ang direktor ng The Clash at siya man ay na-challenge kung paano itawid ang singing competition sa gitna ng pandemya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page