AI AI AT BOY, NATALO, NAG-AWAY SA SHOW NI DINGDONG
- BULGAR
- Apr 12, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 12, 2023

Nakakatuwa ang guesting kahapon ng "mag-amang" Boy Abunda at Ai Ai delas Alas sa Family Feud ni Dingdong Dantes sa GMA-7.
Matagal nang manager ni Ai Ai si Tito Boy at malaki ang respeto niya sa TV host na kung tawagin niya ay "Ama".
Pero ang siste, nang matalo ang team nila ng team ni Carmi Martin, humirit si Ai Ai kay Tito Boy ng "Ikaw talaga ang nagpatalo sa atin. 'Di ka kasi nakikinig, eh."
Si Tito Boy kasi ang tumayong leader ng group o team captain. So, nasa kanya ang final answer kung mananalo o matatalo ang kanilang team.
Kaso, mali nga ang isinagot ni Tito Boy dahil hindi niya narinig ang maling sagot ng kalabang team na inulit pa niya, kaya ayun, olats sila!
Ang paliwanag naman ni Tito Boy, hindi raw kasi sila nakikinig sa kalaban nilang team nu'ng sumasagot kaya nakinig naman siya kay Ai Ai na 'yun ang isagot niya.
Nakakatawa ang sisihan ng "mag-ama" na akala mo'y totoong nag-aaway na, pero joke-joke-joke lang pala!
'Di bale, better luck next time, Tito Boy!





Comments