top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

"Ahas" Nietes, masusubok ang tibay kay Jimenez

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | November 21, 2021





Haharapin nang nagbabalik sa ring na si Donnie “Ahas” Nietes si dating world title challenger Norbelto Jimenez ng Dominican Republic sa posibleng title eliminator fight sa Coca Cola Arena sa Dubai.


Ang bakbakan sa Dec. 11 ay magiging pangalawang laban ng 39-year-old na si Nietes matapos ang matagumpay na laban kontra kay Pablo Carillo ng Colombia. Isa na namang panalo ang inaasahang nakalinya para sa 4-weight division champion at maaari itong magkaroon ng pagkakataon na sumagupa sa kasalukuyang WBA super-flyweight champions na si Mexican Juan Francisco Estrada (super champion) o kaya ay si American Joshua Franco (regular champion).


Ginawa ng Probellum Promotions ang anunsiyo noong isang araw na may hawak kay Nietes.


Pero hindi umano magiging madaling kalaban ang 30-anyos lang na si Jimenez. Ayon sa ulat, dalawang beses lumaban ang Dominican fighter para sa world title kung saan una itong natalo kontra kay Japanese Kohei Kono para sa WBA super-flyweight belt noong 2014 at via unanimous decision kontra kay Khalid Yafai para rin sa WBA crown noong nakaraang limang taon.


Hawak ni Jimenez ang record na 30-9-5 kasama ang 16 KOs. Huli itong sumagupa noong December 2020 at nagwagi via unanimous decision kontra kay Nicaraguan Marvin Solano.


Habang si Nietes ay may record na 43-1 (23 KOs). Huli itong naging world champion noong 2018 nang talunin nito si Kazuto Ioka ng Japan via split decision para makuha ang WBO super-flyweight crown.


Noong 2019 binitiwan nito ang titulo ng hindi idinidepensa upang labanan ang malalaking pangalan sa division gaya nina Estrada, Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand, at Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez ng Nicaragua pero hindi natuloy dahil sa pandemic.


Isa si Nietes sa tatlong Pinoy na sasabak sa Dubai fight card at ang dalawa ay sina Johnriel Casimero at Jayson Mama na sasabak sa magkahiwalay na laban.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page