top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Aftershocks sa M7.8, higit 6,000 na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 16, 2026



Magnitude 7.8 aftershock - BFP

Photo: BFP



Nakapagtala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng kabuuang 6,144 na aftershock mula sa magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao simula noong nakaraang linggo hanggang alas-11 ng umaga nitong Hunyo 15.


Sa naturang bilang, 78 ang naramdaman sa iba't ibang apektadong rehiyon, ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa isang press briefing na isinagawa sa pamamagitan ng teleconference kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Ang magnitude 7.8 na lindol ay tumama 32 kilometro timog-kanluran ng Maasim, Sarangani, alas-7:37 ng umaga noong Hunyo 8, na nagdulot ng sunod-sunod na pagyanig o aftershocks sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.


Nasa libo-libong pamilya sa Mindanao ang labis na naapektuhan at nasa 65 katao ang bilang ng mga nasawi. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page