top of page
Pokwang.jpg

'After sex' picture raw habang nasa kama, pinagpiyestahan…

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2021
2 min read

DEREK AT ELLEN, OBYUS NA MAGKA-LIVE-IN NA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 9, 2021





It seems ayaw magpatalbog ni Derek Ramsay sa hirit ni Gerald Anderson na siya ang pinaka-controversial personality ngayong pandemic dahil ayan, parang diary nila ni Ellen Adarna ang kani-kanilang social media account sa patuloy na pag-a-update sa lahat ng ganap sa kanilang relasyon sa araw-araw.


Ang latest Instagram post nina Derek at Ellen na umani na naman ng samu't saring reaksiyon mula sa kanilang mga supporters at bashers na rin ay ang picture nilang magkapatong na nakadapa sa kama.


Caption ni Ellen sa picture nila ng hunk BF, "Lazy Sunday...its ok basta sweet everyday."


Isang netizen ang nag-comment, "Parang katatapos lang, ah," na tipong may insinwasyon na may naganap na kung anuman kina Ellen at Derek dahil mukhang pagod na pagod nga silang nakadapa sa kama.


Sa post naman ni Derek sa kanyang IG account, may nag-comment din at tinanong pa si Ellen ng, "Nakailang rounds daw."


Advance naman mag-isip ang isang netizen at sabi nito, "Ang susunod na trending, magkakaroon na ng kapatid si Elias."


Woooooh! Expected! Expected daw, oh!


Well, 'di namin itatanong kung bakit 'lazy' sina Derek at Ellen at kung ano'ng ginawa nila kung bakit feeling pagod sila. Parang mas gusto pa naming malaman kung sa kama ba ni Derek sila nakadapa o sa kama ni Ellen sa bahay niya.


Eh, kasi naman, lagi nga silang magkasama at pati si Elias, feel at home na lagi sa piling ni Derek at kung titingnan, todo-enjoy ang anak ni John Lloyd Cruz na may kakulitan siya everyday, 'no!


Kaya ang mas magandang itanong lang diyan, kung live-in na ang ganap nila, sa bahay nino?


Well, tutok na lang sa everyday update nina Ellen at Derek sa kani-kanilang social media account at baka may pakontes sila d'yan. Char!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page