top of page
Search
  • BULGAR

After pumutok na hiwalay na… VIDEO NG TATAY NG MGA ANAK NI ANDI NA MAY KASAMANG IBANG BABAE, KALAT NA SA TIKTOK

ni Julie Bonifacio @Winner | May 28, 2024


Showbiz Photo
Photo: Screen Grab - Crissa Liaging / TikTok

Nakakaloka ang mga Marites sa X (formerly Twitter), ha?


Paano kasi, pinapangalanan talaga nila ang mga celebrities na tinutukoy sa blind items na ipino-post sa X. Kaya walang kahirap-hirap ang mga netizens sa pagtuklas kung sinu-sinong artista ang involved sa blind item.


Gaya na lang nitong blind item na nadaanan namin sa X, ayon sa post, “Kalurks, isang araw, aamin na lang 'yan na magkahiwalay na sila. Naaawa ako kay gurlash. Is it her karma or shunga lang talaga s'ya when it comes to love?”


May pa-clue agad ang mga netizens kung sinu-sino ang tinutukoy sa blind item:


“SI PA AT AE.”


“Andi at Philmar? (shocked emoji).”


Oh, ‘di ba? Sina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann daw ang tinutukoy na celebrity couple sa blind item. 


Although, may pagtanggi na si Andi sa tsikang hiwalayan nila ni Philmar via post sa kanyang socmed na magkasama sila ng ama ng kanyang dalawang anak na sina Lilo at Koa.


Pero ang latest, may netizen na nag-post sa thread sa comment section ng post sa X ng TikTok video ni Philmar na may kasama at kausap na ibang babae.

Nilagyan ng netizen ng caption na “for reference” ang TikTok video ni Philmar at nu’ng girl na ipinost niya.


Say ng isa pang netizen, “Q & P, parang this time nasa lalaki ang problem. Halatang naglalandi du’n sa tisay na may anak na rin. Well, baka nga karma na ni A sa ginawa n’ya kay AC.”


Marahil, ang “AC” na tinutukoy dito ay si Albie Casiño.


Ibinulgar naman ng ibang Marites kung sino ang babaeng kasama ni Philmar sa video. 


“Parang familiar sa 'kin si girl, s’ya yata ‘yung may business na pampaganda at pampaputi pero may asawa na rin yata or boyfriend. Nakikita ko kasi s’ya sa TikTok kaya parang namumukhaan ko.”


“CEO ng Habibi soap, taga-Mindanao.”


“Oh s’ya nga ‘yung ang daming namba-bash sa kanya kasi iba-ibang boy ang ipino-post n’ya kahit daw may asawa na s’ya, parang ganu’n. Nagbasa kasi ako sa comment dati sa isang post n’ya kasama ‘yung isang lalaki.”


“Yes, Pinoy po ang live-in partner n’ya, taga-Davao, si Crissa Liaging. Tapos, may iba pang lalaki ang nakakasama n’ya. Deleted na ‘yung videos sa socmed (social media) n’ya at TikTok, mali naman talaga ginawa n’ya, with music pa.”


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page