top of page
Search
  • BULGAR

After parehong i-ship kay Oliver… KIM-MICHELLE LOVE TEAM, BENTANG-BENTA SA FANS

ni Nitz Miralles @Bida | April 28, 2024




NAKAKATUWA ang mga fans, hindi na sina Kim Chiu at Oliver Moeller o Oliver at Michelle Dee ang isini-ship, kundi sina Kim at Michelle na. Lalo na nitong latest na pagge-guest ni Michelle sa It’s Showtime (IS) at nagkatabi ang dalawang girls sa stage ng IS at ‘yung photo na magkasama silang dalawa.

May tawag na sa team nila, #ChiuDee at may mga requests na ngang gawing regular co-host ng IS si Michelle para lagi silang napapanood. 

Mas masaya rin daw kung minsan, maiimbita sa show si Oliver, interbyuhin nila at tiyak daw na sasabog sa saya at kilig ang mga viewers.

Ang saya lang na may shippers sina Kim at Oliver at sina Michelle at Oliver at noong batiin ni Oliver ng happy birthday si Michelle, ang daming kinilig. Nabuhay na naman ang #DeeLiver ship at nagwi-wish na maging sila for real.

Kaya lang, siguradong kapag sina Kim at Oliver naman ang nagka-moment, marami rin ang kikiligin. 

Comment tuloy ng mga fans, masuwerte si Oliver dahil isini-ship siya sa dalawang sexy at magagandang babae.

Speaking of Michelle, may basher din pala ito kahit maraming fans. May nag-comment na bawasan niya ang pagliliyad dahil OA (overacting) na at para siyang lasing. Ang payo sa kanya, maging natural, tamang elegant para classy at hindi trying hard. 

Ipinaalala kay Michelle na wala na siya sa Miss Universe stage, kaya dapat natural na ang mga kilos niya.

Basher pala ni Michelle ang nag-comment at kilala siya ng fans ng beauty queen, kaya hindi ito nakahirit sa mga nagtanggol kay Michelle.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page