After ng hiwalayan kay Alwyn… JENNICA, TODO-IYAK HABANG NAGBEBENTA NA NG GAMIT
- BULGAR
- May 10, 2021
- 1 min read
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 10, 2021

Emosyonal si Jennica Garcia nang mag-live selling ng kanilang mga gamit at damit na hindi niya madadala sa kanyang lilipatan kasama ang mga anak.
Studio type lang daw ang kanyang titirhan at hindi magkakasya ang lahat ng kanilang gamit kaya nagdesisyon siyang ibenta online ang iba tulad ng aparador, lamesa, mga upuan, at mga damit ng kanyang mga anak.
Medyo naiyak lang si Jennica nang ang mga damit ni Alwyn ang kanyang ibinebenta, gayundin ang ilang damit niyang may sentimental value sa kanya.
Naibalita rin ni Jennica na babalik na siya sa showbiz at makakasama siya sa bagong show ng GMA Network, ang Las Hermanas.
Kahit single mother na ngayon si Jennica, kakayanin naman niyang itaguyod ang dalawang anak.
She’s a strong woman at napakasipag niya sa buhay.
Mahirap man ang mag-move on sa paghihiwalay nila ni Alwyn, ang kanilang mga anak ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob upang lumaban, bumangon at ipagpatuloy ang buhay.





Comments