After ng halos 6 yrs., babu na… SERYE NI COCO, NAG-LAST TAPING DAY NA
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 19, 2021

Malapit na nga ba ang pagtatapos ng serye ni Coco Martin na FPJ's Ang Probinsyano sa ABS-CBN?
Ito ang tanong ng maraming fans ni Coco at ng kanyang seryeng gabi-gabing napapanood sa Kapamilya Network matapos madulas ang co-star niya sa Ang Probinsyano na si Angel Aquino sa recent interview nito.
Nag-guest kasi si Angel kasama ang mga dating co-hosts sa Us Girls sa ABS-CBN na sina Iya Villania at Cheska Garcia-Kramer sa online show ni G3 San Diego.
Dito ay nasabi nga ng magandang aktres na nag-last locked-in taping na sila para sa Ang Probinsyano.
"After our last locked-in sa Probinsyano, let's go, come on," excited na pagyayaya ni Angel sa mga na-miss niyang co-hosts na sina Iya at Cheska.
Tanong ng host ng show na si G3, "Wait, Angel, hanggang kailan pa ba ang Probinsyano? Would you know?"
Sagot ng aktres, nag-'ultimate' last locked-in taping na nga sila pero wala siyang ideya kung hanggang kailan magtatapos ang show.
"But we still don't know that. We don't know if they'll change their mind," mukhang biglang-bawing sabi ni Angel.
Pati si Iya ay naintriga at pilit na tinatanong si Angel kung totoo raw bang magtatapos na ang Ang Probinsyano na matatandaang nagsimulang umere nu'ng September, 2015 at mag-aanim na taon na ngayong darating na Setyembre.
Sabi naman ni Angel Aquino, "Lahat kami, naka-ending mode na kami, but we still don't know if ABS will decide to extend the show."
Well, abangan na lang natin ang official statement ng Kapamilya Network kung malapit na nga bang magwakas ang long-running primetime seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay.





Comments