After ng breakup kay Rayver… IBINUKING NI LOTLOT: JANINE, MAY BAGO NA!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 15, 2021

Guest kamakailan sa It's Showtime ang mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez sa segment na Madlang Pipoll. Bahagi ng segment ang tungkol sa pagmu-move on.
Kaya may tanong ang mga hosts ng IS kay Jackie Gonzaga na, “Kailan maluwag sa loob mong magka-jowa uli ang ex mo?”
May pipiliin namang answer at kasama roon ang "‘Pag naka-move on ka na" at 'Wala kang pake, actually."
Sagot ni Jackie, “Siyempre, dalawa, 'Kapag naka-move on ka na' kasi after maka-move on ka na, 'Wala ka nang pakialam!'”
Tinanong ni Amy Perez si Janine kung agree ba siya sa sagot ni Jackie.
Paliwanag ni Janine, “Medyo ako, parang ganu'n din, eh. Kasi parang kapag naka-move on ka na, wala ka nang paki.”
Tinanong tuloy ni Vice Ganda si Janine, “Naka-move on ka na?”
Ang tinutukoy ni Vice ay ang breakup nina Janine at Rayver Cruz last month after ng 4 na taon din yatang itinagal ng kanilang relasyon.
Hindi sinagot ng aktres ang tanong, sa halip ay sumenyas siyang nawalan ng volume ang hawak na mic.
Pero um-agree si Janine sa sagot ni Jackie.
Aniya, “Puwede rin, 'di ba? Kasi kung mas maganda ka, eh, di wala ka ring paki!”
Pasok muling tanong ni Vice, “Ay, mas maganda ka sa ipinalit sa ‘yo?”
“Hindi, sinasabi ko lang! Sinasabi ko lang. In general," natatawang sagot ni Janine.
Si Kim Chiu naman ang nagtanong, “Ipinagpalit ka ba? 'Di ko pa kasi nakakausap 'yun, eh.”
“Wala namang ano... ganern," sey ni Janine.
"Wow, sumagot!” wika naman ni Chinita Princess.
Napansin ni Ogie Alcasid na nag-e-enjoy si Janine sa segment nila.
“Does she look happy or she’s just hiding something?” tanong ni Vice.
Napa-“Aaaay!” na lang ang aktres ng Marry Me, Marry You.
Ayaw pa ring tantanan ng mga hosts si Janine.
Sabi uli ni Vice, “Itanong ko raw kay Lotlot kung sino 'yung gusto niya para kay Janine.”
Ngumiti lamang si Lotlot habang sabi naman ni Janine, “Wala na ako diyan, ha!”
Sumagot din naman ang kanyang ina, “Kung saan siya masaya, nandoon ako.”
Dugtong pa ni Balot, “Meron siyang bago, 'di ba?”
Napa-react tuloy ang lahat ng hosts.
Paglilinaw naman ni Janine, may bago silang project na pagsasamahan nila ni Lovi Poe na mapapanood sa iWant TFC.





Comments