top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

KYLE AT AIAH NG BINI, SPOTTED NA MAGKASAMA SA JAPAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 16
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 16, 2026



FRANKLY - KYLE AT AIAH NG BINI, SPOTTED NA MAGKASAMA SA JAPAN_FB Claus Arceta

Photo: FB Claus Arceta



Kasabay ng pag-trending ng BINI dahil sa matagumpay nilang performance sa Summer Sonic Music Festival 2026 sa Osaka, Japan noong Biyernes, naging usap-usapan naman online ang video nina Kyle Echarri at BINI Aiah na magkasama sa nasabing bansa.



Sa viral video, makikitang nakikihalubilo sa maraming tao ang dalawa habang naglalakad sa Dotonbori, Osaka, Japan. Makikita rin silang kumakain ng street food habang magkasama.


Kapansin-pansin din na bumili si Kyle ng pagkain at dinala ito kay Aiah. Bukod dito, isang netizen ang nagkaroon din ng pagkakataong makapagpa-picture kasama ang dalawa.


Dahil dito, muling umingay ang mga espekulasyon na may namamagitan kina Kyle at Aiah.


Nagsimula ang naturang tsismis noong June nang mamataan ang dalawa na magkasama sa isang beach trip sa Cebu. Pero agad namang nilinaw ni Aiah noon na magkaibigan lamang sila ni Kyle.


“Kyle and I are friends and kapwa-Cebuanos so no malice po,” paglilinaw ng BINI member tungkol sa naturang usapin.


Ngayong muli silang nakitang magkasama sa Japan, hindi maiwasang mapansin ng mga netizens ang pagiging close ng dalawa. May ilan ding naghinala na baka talagang nagpunta ang aktor sa Japan upang suportahan si BINI Aiah sa kanyang international performance.





Para ‘di maapektuhan ng bashers…

MIKA, NAGBUBURA NG APPS ONLINE



Inamin ni Mika Salamanca na nagbura siya ng ilang social media applications upang hindi na niya mabasa ang mga negatibong komento tungkol sa kanya.


Bagama’t marami ang sumusuporta at humahanga sa aktres-singer, hindi rin niya maiwasang makatanggap ng pambabatikos mula sa ilang bashers.


Sa panayam sa kanya sa vlog ng aktor na si Christian Bables, naitanong kay Mika kung paano niya hinaharap ang mga kritisismo at negative comments.


“Ang nagwo-work sa akin is nag-delete ako ng mga apps,” natatawang pahayag niya.

Aniya, iba-iba ang paraan niya ng pagharap sa hate comments noon at hindi rin daw ito naging madali para sa kanya. Ngayon, mas nagbago na raw ang kanyang pananaw pagdating sa mga pambabatikos.


“Ang nagwo-work sa akin talaga ngayon is the art of dedma. The art of pagpili kung kailan mo dapat pakinggan ‘yung sasabihin ng iba,” ani Mika, na itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE).


Aminado rin siya na masarap talagang magbasa ng comments, lalo na kapag puro positibo ang mga ito.


“‘Pag good ang comments, nakakaadik. Parang ‘Wow, they love me!’ May ganu’n talaga, eh,” pagbabahagi niya.


Gayunman, kapag may nababasa siyang masasakit o hindi magandang komento, hindi niya ikinakaila na naaapektuhan pa rin siya dahil tao lamang din siya.


Dahil dito, napagdesisyunan niyang mas mabuting iwasan na lamang ang pagbabasa ng comments upang maprotektahan ang kanyang peace of mind.


May isang direktor din umano na nagbigay sa kanya ng payo na mas piliin niyang pakinggan ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.


“Kasi, maraming puwedeng sabihin ang iba’t ibang tao sa ‘yo, kahit ‘yung mga taong malalapit sa ‘yo, pero iba ‘yung mga taong mahal ka. Kasi ‘yung mga taong mahal ka, ‘di ka i-please n’yan. ‘Yung mga taong mahal ka, sasabihin kung ano ‘yung dapat para sa ‘yo, kung ano ‘yung mabuti at makakatulong sa ‘yo,” saad niya.


Dagdag pa niya, may mga taong sasang-ayon lamang sa lahat ng gusto mong marinig, ngunit hindi ito nangangahulugang makatutulong sila.


“Makakatulong sa ‘yo ‘yung mga bagay na ayaw mong marinig pero kailangan mo,” sey ni Mika.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page