After ng aktres… PAMILYA NI BEA, LUMIPAD DIN PAALIS NG ‘PINAS
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 11, 2026

Photo: IG / Bea Alonzo
Pagkatapos mabalitang umalis ng Pilipinas si Bea Alonzo, sumunod na pinag-uusapan sa socmed (social media) ang paglipad papuntang Spain ng pamilya ng aktres.
Bagama’t hindi verified ang tsikang pag-alis sa bansa ng pamilya ni Bea, marami ang nagduda sa post ng picture ng pamilya ng aktres na pupunta raw ng Spain.
Naglipana kasi ang fake news sa socmed. Tapos, may mga AI (artificial intelligence) pa na lumalabas. You can never be sure talaga sa mga naglalabasang news online.
Sabi nga ng netizen, “Lahat ng lumalabas na balita, puro fake news. Mga Marites kayo, ‘wag n’yong siraan sina Bea Alonzo at Vincent Co, masaya sila (heart emoji).”
Old photo na raw ang kumakalat online na picture ng pamilya ni Bea. Papunta raw sa Hong Kong at hindi sa Spain ang pamilya ni Bea sa picture.
Oh, ‘di ba, kani-kanyang hanash ang mga netizens sa isyu kay Bea?
Basta ang alam lang namin, wala sa Spain ang manager nito na si Shirley Kuan o mas kilala sa showbiz sa tawag na SK.
Kung nasa Spain na nga ang pamilya ni Bea, nasa Los Angeles, USA naman si SK.
Alam na this!
Single mom, pasabog!
ELISSE, TODO-DISPLEY NG KATAWAN SA BEACH
Idinispley ni Elisse Joson ang kanyang momshie figure sa beach. Kurbadang-kurbada ang katawan ni Elisse sa suot niyang one-piece black swimwear.
Kaya naman napa-wow ang mga netizens sa figure ni Elisse.
Ishinare ni Elisse sa Instagram (IG) ang mga pictures niya sa beach during her vacay sa Busuanga, Palawan.
Nag-bonding si Elisse at ang kanilang anak ni McCoy de Leon na si Felisse sa Palawan. At the same time, birthday celebration na rin ng Mommy Mylene ni Elisse.
Sakto rin ang bonding ng mag-ina para sa Mother’s Day celebration.
“Happy birthday to the one who taught me how to appreciate the little things (cake & heart emoji) @mylenemay,” caption ni Elisse.
Tsika pa ni Elisse sa IG, bihira na raw ang ganitong pagkakataon na makasama niya ang kanyang ina sa bakasyon.
Caption ni Elisse sa separate IG post niya para sa birthday and Mother’s Day celebration nila ng kanyang Mommy Mylene, “Finallyyyyy.”
Bongga!





Comments