After mawala si Julia… JOSHUA, GUSTONG JOWAIN NINA MIKEE, SANYA AT PAULINE
- BULGAR

- Feb 21, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 21, 2021

Maraming artistang babae ang na-touched at nakisimpatya kay Joshua Garcia nang mapanood nila ang music video ng Paubaya na pinagtambalan nila ni Julia Barretto.
Daig pa ang mga eksena sa pelikula ng madamdaming paghingi ng sorry nina Julia at Joshua sa isa’t isa.
Makadurog-puso ang nasabing tagpo at walang script ang kanilang mga binitiwang linya.
Dahil sa nag-viral na music video ng Paubaya, may ilang female stars na nagsabing type nilang maging jowa ang isang tulad ni Joshua na mabait at napaka-sincere magmahal.
Sina Mikee Quintos, Sanya Lopez at Pauline Mendoza ang ilan lang sa mga nagsabi na ang katulad ni Joshua ang karapat-dapat mahalin at jowain.
Marami ring non-showbiz girls ang nag-react at naawa kay Joshua at wish nila ay makatagpo ang young actor ng babaeng magmamahal sa kanya nang tapat at hindi siya sasaktan at iiwanan.





Comments