top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After maudlot ang kasal kay Bea… VINCENT, KAY KIM NAMAN NGAYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 13, 2026



WINNER - VINCENT, KAY KIM NAMAN NGAYON-FB Kim Chiu & Vincent via FB-Circulated

Photo: FB Kim Chiu & Vincent via FB-Circulated



Successful ang ginanap na opening ng store ni Kim Chiu sa Zamboanga. Personal na pinuntahan at inasikaso ng aktres-host ang opening ng kanyang pop-up store.


Ishinare ni Kim ang ilang photos and videos before and after ng opening kung saan nakasama niya ang kanyang mga kapatid na babae, minus her eldest sister na si Lakam Chiu.


Out pa rin pala sa family gathering ang ate niya. Baka hindi pa rin talaga tanggap ni Kim at ng pamilya ang kanyang eldest sister, kahit na may tsikang iniurong na raw ni Kim ang demanda.


Siyempre, happy ang mga fans ni Kim sa Zamboanga na makita siya nang personal. Gandang-ganda sila sa aktres sa personal. Pati raw ang mayor ng Zamboanga ay na-star struck kay Kim.

Sey ng mga fans:


“Kimmy, welcome to Zamboanga and congratulations. Sobrang ganda mo. Pati mayor namin, titig na titig sa ‘yo. Grabe, para kang buhay na Barbie. Sobra sa ganda.”

“Oo nga, grabe na-star struck si Mayor n’yo at ‘yung mga kasama n’ya kay Kimmy. Todo ang titig nila kay Kim Chiu.”


“The same I heard from one of my officemates who saw her in one of the mall shows. I asked if she is prettier in person. Response: ‘Yes, parang nakakita ka ng Barbie doll na buhay.’”

Naku, bukod sa mayor ng Zamboanga, inili-link din si Kim sa ex-fiancé ni Bea Alonzo na si Vincent Co.


Sa isang online news channel ay ipinost ang video ng businessman na si Vincent sa pa-event ng isa sa kanyang mga negosyo.


Comment ng netizen, “Grabe! Bagay kay Kim Chiu! Bwahahahaha!”

Puwede, since pareho silang Chinese. More or less, nagkakaintindihan na sila sa tradition and culture ng kanilang lahi.


Huwag lang ma-Xian Lim si Kim ni Vincent.





Nakaka-stress daw, AZ…

LARKIN, AYAW NANG MAGKADYOWA ULI NG TAGA-SHOWBIZ



APRUB kay Larkin Castor na makatrabaho ang ex-girlfriend niya na si AZ Martinez. At hindi lang si AZ, pati na si Ralph de Leon na ipine-pair sa ex-dyowa niya.


“Okay lang naman,” sey ni Larkin. 


Paliwanag niya, “Well, actually, okay, sige, sabihin na natin. Uhm, wala naman akong galit. Okay na ako sa nangyayari. I’ve moved forward na. And whatever happens, kung maisipan man ng mga boss na it’s a good move na mag-partner pa rin kami, why not? Okay naman ako.”


Diin pa niya, “Okay lang. Tatanggapin ko naman. Professional lang tayo.”

Naka-move on na raw kasi si Larkin sa breakup nila ni AZ.


“Actually, nag-focus po ako sa hobbies ko sa golf. Bumalik ako sa golf. Uh, pickleball. Meron kami ngayong pickleball court d’yan sa harap ng Southmall,” pahayag ni Larkin nang makausap namin sa grand launch ng Cindyrella Medical Group na pag-aari ni Dra. Aryana Lopez.


Happy daw si Larkin na may time na siya sa sarili ngayon. May time na siya for self-care and wellness.


“Marami akong free time. And sometimes, ano, aaminin ko, I’m dating other women ngayon. Pero nothing serious. ‘Di ko pa kaya ‘yung relationship talaga. Ano lang, getting to know people lang,” kuwento ni Larkin.


Marami raw siyang idine-date pero puro non-showbiz. Ayaw na raw niya ng girlfriend na taga-showbiz.


“Ayoko na,” matigas niyang sagot sabay iling. 


Pahabol niya, “Uh, nakaka-stress, eh. Hahaha! But actually, meron din namang mahahanap na swak ang ano n’yo, priorities, ugali. Pero coming from experience rin, ayoko na ng taga-showbiz.”


Sagot naman ni Larkin when asked kung na-trauma ba siya sa pakikipagrelasyon kay AZ, “Ayoko... Baka ma-bash ako,” habang natatawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page