top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

After maikasal… RERE AT KAI, UMAMING MAGKAKA-BABY NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 23, 2026



BULGARY - RERE AT KAI, UMAMING MAGKAKA-BABY NA-IG Kai Sotto

Photo: IG Kai Sotto



Inanunsiyo ng newly-wed couple na sina Rere Madrid at Kai Sotto na sila ay mga magulang na!


Matagal nilang itinago sa publiko ang pagbubuntis ni Rere at pinili muna itong i-enjoy nang pribado upang maging espesyal ang bawat araw nila.


Naglabas sila ng video compilation ng mga reaksiyon ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Makikitang naging emosyonal ang kapatid ni Rere na si Ruru Madrid.


Bagama’t nagulat sa umpisa, tiniyak niyang susuportahan niya ang kanyang kapatid. 

Naluha rin ang ama ni Rere at nakiusap kay Kai na patuloy na mahalin at alagaan ang kanyang anak sa lahat ng pagkakataon. 


Naging emosyonal din ang ina ni Rere nang malaman na magiging lola na siya. 

Nagpadala rin ng taos-pusong mensahe si Bianca Umali at nangakong susuportahan at gagabayan ang mag-asawa.


Bago ang pregnancy announcement, ikinasal sina Rere at Kai sa isang intimate ceremony na ginanap sa Neri’s Secret Garden sa Cavite. 


Sa kasalukuyan, hindi pa nila ibinubunyag ang kasarian ng kanilang magiging anak, kaya bukas pa rin ang usapan kung Team Girl o Team Boy ang kanilang unang baby.





Nilinaw ng mga young Kapuso actors na sina Marco Masa at John Clifford na hindi sila nangangamba sa posibleng pagseselos ng mga tagahanga ng tambalang Caprice Cayetano at Heath Jornales, na kilala bilang CapEath, kahit pa maging leading man sila ng aktres.


Sa isang panayam, tinanong sila kung naiilang ba sila dahil sa lakas ng fandom ng mga kapwa-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE) housemates.

Sumagot si Marco na wala silang dapat ikabahala dahil suportado nila ang kani-kanilang love team at maayos ang kanilang samahan.


Aniya, “‘Di naman po kami nangangamba kasi kami personally, we’ve been very supportive sa ships ng bawat isa. So, para sa amin, happy-happy lang po talaga.”


Sumang-ayon naman si Clifford at sinabing masaya siya para kina Caprice at Heath. Naniniwala rin siya na ang suporta ng iba’t ibang fandom ang isa sa mga dahilan kung bakit nabuo ang kanilang bagong proyekto.


Sey niya, “Actually, we’re very happy po for Heath and Caprice. I believe because of their fans and also our fans ng mga ships, sila rin ang dahilan kung bakit kami nakabuo ng show na ganito.”


Ang apat na artista ay magsasama sa bagong serye ng isang network, kung saan inaasahang maipapakita nila ang kanilang chemistry at talento habang patuloy na tinatangkilik ng kani-kanilang mga tagahanga.


Iginiit din nina Marco at Clifford na walang tensiyon o kompetisyon sa pagitan nila. 

Samantala, ibinahagi rin ni Caprice Cayetano na nananatili siyang may paghanga kay Heart Evangelista at nagulat siya sa mga paghahambing sa kanila.


Dagdag pa niya, nagbibigay umano ito ng mga payo sa kanya, lalo na pagdating sa fashion.





Aktres, ‘di conscious na tumaba…

ANGEL AT NEIL, MATAGAL NANG KASAL, WALA PA RING BABY



KAHIT wala na ang kanyang amang si Mr. Angelo Colmenares, hindi ito nakalimutang batiin ni Angel Locsin nu’ng Father’s Day.


“Happy Father’s Day in heaven, Daddy,” ang post ni Angel sa kanyang Facebook page nu’ng Linggo. 


Ayon sa beteranong kolumnista-talent manager na si Ogie Diaz, nanatili umano si Angel sa ospital sa loob ng 18 araw upang mabantayan ang kanyang ama nu’ng nagkasakit ito.


Ibinahagi rin umano ng asawa ni Angel na si Neil Arce na isa sa mga dahilan kung bakit nagsikap si Angel sa pag-aartista ay upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ama.


Pumanaw si Angelo Colmenares noong Marso 5, 2025 sa edad na 98.

Maraming netizens naman ang nagpahayag ng paghanga kay Angel Locsin dahil sa kanyang pagmamahal at pag-aaruga hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa mga kapwa Pilipino.


Patunay nito ang laging pagtulong ni Angel sa mga kababayan natin tuwing may kalamidad o aksidente.


Sa ngayon, marami pa rin ang umaasang magbabalik-showbiz si Angel Locsin at muling gagawa ng serye at pelikula.


Kaya lang, mukhang ine-enjoy pa ni Angel ang buhay-may-asawa at hindi ito conscious sa kanyang body figure para makabalik sa showbiz.


Hindi kaya ang pinaghahandaan ni Angel ay ang pagbubuntis at hindi naman ang pagbabalik-showbiz? Ilang taon na rin silang kasal ni Neil at marami na nga ring naiinip kung kelan sila magkaka-baby. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page