top of page

After magpakilig sa ipinost na piktyur… MARIS, INAMIN NA KUNG ANO’NG MERON SA KANILA NI GIAN NG CUP OF JOE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7h
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 15, 2026



Gian ng Cup of Joe at Maris Racal - Instagram

Photo: Maris Racal / Instagram



Prank lang pala ang mga sweet photos na ipinost ni Maris Racal noong February 12 sa Instagram (IG) kung saan spotted siyang super close kay Gian Bernardino ng bandang Cup of Joe (COJ).


Sa viral photos, makikitang may hawak na bouquet of flowers si Maris habang naka-lean si Gian sa balikat niya — very kilig vibes talaga! 


Ang simple pero intriguing na caption ng actress-singer, “Plot twist.”

Dahil dito, agad nag-trending ang post at maraming netizens ang napaisip kung may something romantic na ba sa dalawa. 


May ilan pang nag-speculate na baka soft launch na ito ng relasyon, habang ang iba naman ay naghinalang baka may upcoming collab sila.

And yes, collab nga!


Sa bagong IG post ni Maris, ibinunyag niya ang behind-the-scenes (BTS) ng naturang larawan. Turns out, prank lang ang lahat at parte ito ng promo para sa music video ng bago niyang single na Sino Ang Tanga.


Sa BTS reel, kitang-kita ang planning nila para i-prank ang madlang people. Sey ni Maris habang nagpo-pose sila, “Oh, my God! Mukha tayong magdyowa, tingnan mo.”

Dagdag pa niya, “So, ang goal is gumawa tayo ng…” sabay singit ni Gian ng “Prank.”


Natawa pa si Maris at nagbiro, “What if mag-flop ‘to?” sabay amin na siya mismo ang bumili ng bulaklak. 


Sabi naman ni Gian, nagulat daw siya pagdating ni Maris dahil may dala itong malaking bouquet.


Very game rin ang dalawa sa pag-iisip ng caption. May suggestion pa si Gian na, “One year with you,” na ikinatawa nang todo ni Maris bago sila tuluyang nag-decide sa “Plot twist”.


Aliw na aliw ang mga netizens at aminadong kinilig sila bago malaman ang totoo. 

Good job sa prank, Maris and Gian!



SAMANTALA, bonggang-bongga ang Valentine’s Day ni Shaira Diaz matapos siyang sorpresahin ng asawang si Edgar Allan ‘EA’ Guzman ng ultimate fangirl gift — ticket sa concert ng BTS sa Las Vegas!


Sa Instagram (IG) video na ipinost ni EA, makikitang halos maiyak sa tuwa si Shaira nang makita ang e-ticket sa kanyang phone. 


Sey ni EA, “Happy Valentine’s Day, Asawa,” na sinagot naman ni Shaira ng “Happy Valentine’s Day. Thank you, Papa,” habang excited na ipinapakita ang ticket.


“BTS, I’m going to see you in Vegas!” sigaw ng actress na super-kilig.


Sa caption, ibinahagi ni EA na alam niya kung gaano ka-fan ng BTS ang kanyang misis, especially si JungKook. Kaya naman todo-effort siya para mapasaya ito.


“Alam ko how much you love BTS and JungKook, so this one’s for you. Happy Valentine’s Day, asawa. I just want to see you smile, your biggest smile. P.S.: Makikita mo na nang malapitan si JungKook. Ayos lang kahit sumigaw ka ng ‘I love you, JungKook!’ Hahaha!” sweet na mensahe ni EA.


Reply naman ni Shaira sa comments, “Ilysm (I love you so much)!!! Thank you! Spoiled wifey.”


Ang much-awaited comeback at reunion concert ng BTS ay gaganapin sa Allegiant Stadium sa Mayo, matapos ang apat na taong hiatus ng global superstars.

Talagang love is in the air — mapa-prank man o purple concert surprise!


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page