top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

After magpa-swab test… PADIR NI JULIA NA SI DENNIS, MAY SAKIT

BULGAR
Mar 23, 2021
1 min read

Julie Bonifacio - @Winner | March 23, 2021




May sakit ang komedyanteng si Dennis Padilla. Batay ito sa post ng kaibigan niyang dating romantic-balladeer na si Louie Heredia sa kanyang Facebook page kahapon.


Ipinost ni Louie ang isang lumang litrato nila ni Dennis. Pareho kasi silang Viva artists noong dekada '90.


Caption ni Louie, "Get well soon, Dennis Dominguez Padilla! (3 praying hands emojis)."


Hopefully, walang kinalaman ang COVID-19 sa sakit ngayon ni Dennis.


Hindi ba't very recently, nadawit ang pangalan ng ex-wife niyang si Marjorie Barretto at mga anak nilang sina Julia at Claudia sa isyu ng "hawahan" ng COVID sa ginanap na Hawaiian-themed party ni Gerald Anderson sa kanyang Hayati private resort sa Zambales?


Napaulat na may bisita sa side ni Gerald ang nagkasakit daw after um-attend sa party. At may balita pang nag-positive raw ito sa COVID after magpa-test.


But up to now, wala pang balita if true or not ang lumabas sa online news ng isang broadsheet.


Maging sa recent post ng mga Barretto sa kanilang social media accounts ay pawang pa-good vibes ng kanilang ini-endorse na produkto.


Habang sa IG ni Dennis ay naka-post ang short video ng pagsu-swab test niya bago siya sumabak sa taping for a show.


Ipinost ni Dennis ang short video noong March 12. Either nakapag-swab na si Dennis before niya ipinost ang short video niya or it's the same day nangyari ang lahat.


Kung nakapag-taping si Dennis after niyang magpa-swab test, ibig sabihin, wala siya sa party ni Gerald last March 12.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page