top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

After magkatampuhan… KC, BINATI NA SA SOCMED ANG STEPDAD NA SI SEN. KIKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 minutes ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 25, 2026



Kiko Pangilinan at KC Concepcion - IG

Photo: Kiko Pangilinan at KC Concepcion - IG



Personal na binati ni KC Concepcion ang kanyang stepfather na si Sen. Kiko Pangilinan on his 63rd birthday kahapon, August 24.


Ishinare ng aktres ang mga larawan niya with Sen. Kiko, with her mom at ang bunso nila na si Miguel.


Kuha ang mga larawan sa bagong bahay nina Sharon at Sen. Kiko sa Silang, Cavite, kung hindi kami nagkakamali.


Caption ni KC sa kanyang latest IG post, “Happy 63rd birthday, Dad! @kiko.pangilinan So grateful for nights like this ~ family close, hearts full, and you and Mom at the center of it all.


“Here’s to more soul-nourishing moments and happy memories to come. Praying for the BEST of this new year ahead! All my love, now and always (cheers & spark emoji) @reallysharoncuneta.”


This is the first time na nag-post ulit si KC ng picture sa socmed (social media) with Sen. Kiko for the longest time after ng isyung nagkatampuhan sila, kaya natuwa ang mga followers niya.

Sey ng mga fans:


“So happy for you, KC. Family is everything…”

“Awwww, so beautiful.”


Well, sana ay magtuluy-tuloy na ang magandang relasyon ni KC at ng kanyang Daddy F (Francis Kiko).





After mahimasmasan sa aksidente…

NIÑO, BINALIKAN ANG WASAK NA BAGUNG-BAGONG SUV



LUMUTANG ang mga videos ni Niño Muhlach sa social media matapos siyang masangkot sa isang car accident noong Linggo nang hapon, Agosto 23, sa Marcos Highway, Bgy. Mambugan, Antipolo City. 


Malapit sa Francia Hospital naaksidente si Niño a.k.a. Onin, pet name ng dating child star sa showbiz.


Makikita sa video ang aktor na binalikan ang lugar at tiningnan ang kanyang wasak na SUV na bumangga sa isang tindahan. 


Bagung-bagong pa ang sasakyan ni Onin na ibinida at ipinost niya sa kanyang social media account isang araw bago ang aksidente. Marahil ay nakapagpahinga at nahimasmasan na siya kaya binalikan ang kanyang kotse.


Ayon sa news report, posibleng nakatulog sa manibela ang drayber kaya lumihis ang sasakyan at dumiretso sa gilid ng daan, kung saan may nakabangga o nadamay na motorsiklo na pumailalim sa SUV ng aktor.


Based sa isang video, mukhang hindi nagtamo ng anumang physical injury si Niño. Although, mababanaag ang hindi panatag niyang kalooban habang pinagmamasdan ang kanyang nabanggang sasakyan at nakikipag-usap sa mga traffic enforcers.


Makikita rin sa isa pang video ni Onin na dumating sa lugar ng aksidente ang dalawa niyang anak na sina Alonzo at Sandro Muhlach.

Oh, well. Buti naman at safe siya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page