top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

After maghiwalay, Kim… JANINE, AYAW NANG MAKATRABAHO SI PAULO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2024
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 3, 2024




May alegasyon na ayaw daw makatrabaho ni Janine Gutierrez ang aktor na si Paulo Avelino. 


Unang nagkatrabaho ang dalawa sa Marry Me, Marry You kung saan na-link pa sila in real life habang umeere ang kanilang teleserye.


Katunayan, nagkaroon pa ng fandom ang dalawa — ang PauNine (Paulo-Janine). 


Ang tanong ngayon ng mga netizens, may conflict ba between them?


Kung dati-rati kasi, sweet sila bagama't walang pag-aming naging sila, ngayon ay wala nang balita kina Paulo at Janine. 


Instead, kay Kim Chiu na nali-link si Paulo mula nang magsama sila sa seryeng Linlang na nasundan pa nitong What’s Wrong with Secretary Kim.


Then lately nga’y may sitsit na ibinulgar ng batikang manunulat, talent manager and vlogger na si Ogie Diaz sa kanilang YouTube Channel na Showbiz Update na ayaw daw munang makatrabaho ni Janine si Paulo sa ngayon, base raw sa kanyang source. 


“Ako naman — kahit hindi sabihin ‘yun, ha — siyempre, ‘di ba, ‘di ka muna makikipagtrabaho. Parang wala pang maayos na closure,” wika ni OD (Ogie Diaz). 


Nabanggit din ni Papa Ogs na bago dumating sa eksena si Kim, “Laging nananatiling pribado ang kanyang (Paulo) love life.” 


Pero pagdating daw kay Kim, very open ang aktor na makipagbardagulan sa TV host-aktres.


“Parang game na game siyang makipagharutan. Game na game siyang makipag-joke.


Parang nag-iba na ‘yung landscape ni Paulo,” pakli pa ni OD


Dahil dito, nasabi ng kanyang co-host na si Mama Loi, “Perhaps there is something special in Kim Chiu.”


Kamakailan lang ay nag-react si Kim sa isyung inili-link siya kay Paulo. 


Aniya, nao-overwhelm ang mga fans nila sa kanilang dalawa kaya nagpapasalamat siya sa mga patuloy na sumusuporta sa love team nilang KimPau. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page